Taas-presyo sa LPG
- BULGAR

- May 2, 2023
- 1 min read
ni BRT | May 2, 2023

Nagtaas ang presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) ngayong buwan ng Mayo dahil sa mas mataas na international contract price.
Ayon sa Petron, nagpapatupad ito ng P0.85 kada kilo (kasama ang VAT) na pagtaas ng presyo sa LPG na epektibo kahapon ng alas-6 ng umaga.
Ang presyo naman ng auto-LPG ay tataas ng P0.48 kada litro.
Nag-anunsyo rin ang Solane ng P0.85/kg na pagtaas sa mga produktong LPG nito, epektibo rin kahapon.
Una nang sinabi ng mga industry expert na ang presyo ng gas, kabilang ang LPG ay inaasahang bababa ng mahigit P1 kada litro sa ngayong araw. Subalit sa huling trading day, sumipa ang international contract price ng LPG kaya nagbago ang tinatayang galaw ng presyo ng LPG sa bansa.








Comments