top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Taas-presyo sa bilihin, dapat bantay-sarado

BULGAR
Jul 7, 2022
1 min read

@Editorial | July 7, 2022


Nagkaroon ng umano'y bahagyang pagtaas sa presyo ng mga basic goods and prime commodities sa bansa.


Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), mula Agosto 2021 hanggang Mayo 2022 ay mayroong pagtaas ng hanggang hindi bababa sa 1 percent at pagtaas ng mahigit 50 percent.


Kasabay nito ang paglilinaw na ang nasabing pagtaas ay pasok pa rin sa suggested retail prices (SRP) na itinakda ng ahensya.


Patuloy din umanong pinag-aaralan ang mga petisyon ng mga manufacturers at producers na humihiling ng pagtaas ng kanilang mga presyo.


Sadyang inabot tayo ng sunud-sunod na pagsubok na talagang mapapalaban ang ating pasensya at diskarte.


Ang pakiusap lang natin sa mga negosyante, panatilihin ang patas na pagpepresyo.


Lahat tayo ang apektado ng pandemya na sinundan ng mga pagtaas-presyo, kaya mas mainam na sama-sama rin tayong babangon at magtulungan.


Sa mga nagbabalak na mang-abuso, makonsensya naman kayo. Anumang yamang materyal sa lupa ay hindi madadala sa hukay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page