top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Iligtas ang kabataan sa kamay ng TBS

Writer: BULGAR
BULGAR
55 minutes ago
1 min read

by Info @Editorial | October 2, 2026



Editoryal, Editorial


Nababahala tayo sa mga balitang may mga kabataang nauugnay sa True Brown Style (TBS) gang. 


Sa edad na dapat nasa paaralan at nangangarap para sa kinabukasan, may ilan nang nahihila sa mundo ng dahas, takot at gulo.


Hindi dapat gawing recruitment pool ng mga gang ang kabataan. Ang sinumang nakatatandang nag-uudyok, gumagamit o nagtutulak sa mga menor-de-edad sa karahasan ay dapat papanagutin nang buong bigat ng batas.


Pero hindi sapat ang paghuli. Kailangang putulin ang mga kondisyong nagtutulak sa kabataan sa gang—kawalan ng paggabay, problema sa tahanan, impluwensya ng barkada at paghahanap ng lugar na kanilang mapapabilang.


Ang kabataan ay dapat nasa silid-aralan, hindi sa gitna ng rambol. 

Sagipin natin sila sa kamay ng mga gang bago tuluyang agawin ng karahasan ang kanilang kinabukasan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page