top of page
Atasha Muhlach as Annie Batungbakal - IG.jpg

Eleksiyon, ‘wag idamay sa magulong pulitika

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
1 min read

by Info @Editorial | September 30, 2026



Editoryal, Editorial


Dapat matuloy ang 2028 elections. Walang dahilan para ang karapatan ng mamamayan na pumili ng kanilang mga lider ay malagay sa alanganin dahil lamang sa bangayan at tunggalian sa pulitika.


Sa gitna ng mga alegasyon na may mga kumikilos umano upang hindi matuloy ang halalan, mahalagang manaig ang katotohanan. Ang mga paratang ay dapat patunayan, at ang mga kinauukulang institusyon ay dapat magbigay ng malinaw na kasiguruhan tungkol sa proseso.


Ngunit higit sa lahat, ang regular na halalan ay hindi dapat gawing kasangkapan sa anumang labanan sa kapangyarihan. Ito ang pagkakataon ng mga Pilipino na magpasya kung sino ang nais nilang mamuno at kung anong direksiyon ang nais nilang tahakin ng bansa.


Walang pulitiko o grupo ang dapat mangibabaw sa pasya ng taumbayan. Anuman ang kulay, partido o pangalan ng mga maglalaban sa 2028, dapat silang humarap sa mga botante at hayaang ang balota ang magpasya.


Ituloy ang 2028 elections—malaya, maayos, mapayapa at naaayon sa batas. Sa demokrasya, ang huling salita ay dapat manatili sa taumbayan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page