top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Taas-presyo, hahataw pa hanggang 2024, kapit pa more!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 23, 2023
  • 1 min read

@Editorial | December 23, 2023


Dalawang bad news ang umano’y aasahan ng mga konsyumer ilang araw bago mag-Pasko at sa mismong Bagong Taon.


Ito ay ang namumurong malaking dagdag-presyo sa diesel, gasoline at kerosene. At susundan naman ng taas-presyo sa LPG na mahigit tatlong piso kada kilo na ipatutupad sa unang araw ng 2024. 


Kaugnay nito, posibleng magtuluy-tuloy ang pagtaas ng bilihin sa susunod na taon.


Samantala, ayon naman sa ulat, maaaring tumaas sa 0.02% ang monthly inflation rate sa taong 2024 dulot ng El Niño phenomenon.


Apektado umano ang supply ng pagkain at singil sa kuryente sa unang bahagi ng 2024.


Nakikita rin na tatagal pa hanggang ikalawang bahagi ng susunod na taon ang El Niño.


Nangangahulugan lamang ito na kailangang mas galingan ang pagba-budget, pagtitipid at pagdiskarte kung paano madaragdagan ang kita. Mga bagay na sa totoo lang ay matagal nang ginagawa ng karamihan pero sadyang mahirap talagang sabayan ang non-stop na taas-presyo.


Ang masaklap, habang nagdurusa ang mga manggagawa at hindi na malaman kung paano itatawid ang bawat araw ay may iilan naman na nagpapakasasa sa pera ng taumbayan.


Kung paanong pinagpapaguran ng mga tapat na mamamayan ang bawat piso, walang kahirap-hirap naman sa paglustay ng milyones ang mga pasaway sa gobyerno at iba pang abusado sa lipunan.


Sana, biglang umikot ang mundo at ang mga mahihirap at patas kung lumaban sa buhay ang makaranas naman ng kaginhawaan. 

 

 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page