Taas-pasahe sa public transport, stop – DOTr
ni Lolet Abania | November 21, 2022

Hindi na magtataas ng pamasahe sa mga pampublikong sasakyan hanggang sa katapusan ng 2022, ayon sa Department of Transportation (DOTr) ngayong Lunes.
Sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na huli na ang inaprubahang dagdag-pasahe sa mga public utility vehicle (PUV) nitong Setyembre.
“Ngayong holiday season, mas mabuti na hindi na muna tayo magtaas ng pamasahe para madagdagan naman ang pang-shopping ng ating mga pasahero,” pahayag ni Bautista.
Sa ngayon, pinag-iisipan na rin ng DOTr kung magiging sapat na o kailangan pang magdagdag ng mga PUVs sa iba’t ibang mga ruta dahil sa inaasahang pagdami ng mga pasahero na bumibiyahe at mga namamasyal sa mga pampublikong lugar lalo na’t nalalapit ang Kapaskuhan.A





Comments