top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Taas-matrikula, hirit ng private schools para ‘di magsara

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 4, 2024
  • 1 min read

by Info @Editorial | July 4, 2024



Editorial

Ilang pribadong paaralan sa basic hanggang sa higher education ang nag-apply na para taasan ang matrikula sa susunod na school year.

Ito ang kinumpirma ng Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA).


Ayon sa grupo, long overdue na ang tuition fee hikes dahil huling nag-apply ang ilang paaralan para rito bago pa mag-pandemic.


Paliwanag pa ng grupo, hindi nila maiwasan na mag-apply para sa tuition hike na pumapalo mula sa 3% hanggang 9% o 12% dahil sa inflation at economic difficulties.


Ang 70% ng karagdagan sa tuition fee ay mapupunta umano sa mga sahod ng mga guro.


Sa panig naman ng Department of Education (DepEd), kinakalap na rin umano ang mga impormasyon kaugnay sa mga paaralan na nag-apply para sa tuition fee hikes habang ang Commission on Higher Education (CHED) naman ay nakatakdang talakayin ang taas-tuition sa Commission en Banc.


Kailangan din nating maunawaan ang pangangailangan ng mga pribadong eskwelahan at dapat silang suportahan ng gobyerno sa pamamagitan ng pagplano kung paano mapapabuti ang kanilang kalagayan.


Ngayong may naitalaga ng bagong kalihim sa DepEd, umaasa tayo na isa ito sa mapagtutuunan ng pansin.


Huwag na sanang mangyari na madagdagan pa ang mga pribadong eskwelahan na napilitang magsara dahil ‘di na kaya. Dahil ang kasunod nito ay maraming guro at empleyado ang mawawalan ng kayod.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page