Sylvia Sanchez, nakipagpustahan ng P5 mil sa anak niyang si Arjo

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 9, 2023

Ibinida ni Sylvia Sanchez ang P5 milyong pustahan nila ng anak na si Arjo Atayde nu'ng araw na ikinasal ito kay Maine Mendoza.
Inilantad ng aktres na si Sylvia sa kanyang Instagram ang tungkol sa bet nila ni Arjo sa isang emosyonal na message niya para sa 33rd birthday ng anak nu’ng November 5.
Nabalitaang ikinasal si Arjo at Maine sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel, Baguio City, Benguet, nu’ng July 28, 2023.
Mapapanood sa video na kasama sa greetings ng aktres sa Instagram,
nakipagpustahan pa naman raw siya ng "PHP5 million" sa anak niya.
Sey ng award-winning actress sa sweet at funny birthday greetings, “Tandang tanda ko pa ang araw ng kasal mo. Pagkagising ko pinuntahan kita sa room mo, kabado at naiiyak ako pero sobrang saya ko at kinulit kulit pa kita.”
“Kaya dali dali kitang pinustahan kung sino unang maiyak sa ating dalawa sa kasal mo, talo!!!!” dagdag pa niya.
Pero hindi raw payag si Arjo sa kasunduang talo sa pustahan ang unang mag-eemote sa kasal nila. “Sayang hindi ka pumusta nak, nanalo sana ako ahahahaha,” dagdag pa ni Sylvia.
Mababasa ang buong post sa Instagram ng aktres na (@sylviasanchez_a).





Comments