top of page
Search
  • BULGAR

SY 2024-2025, Hulyo 29 hanggang Abril 15

ni Eli San Miguel @News | May 22, 2024


Inihayag ng Malacañang na inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbabalik ng tradisyunal na school calendar ng Pilipinas.


Magsisimula ang pagbubukas ng klase para sa school year 2024-2025 sa Hulyo 29 ngayong taon at magtatapos sa Abril 15, 2025.


Noong una, itinakda ng Department of Education (DepEd) ang school year 2024-2025 mula Hulyo 29 ng taong ito hanggang Marso 31, 2025.


Sa unang panukala ng DepEd, dalawang iskedyul ang iminungkahi: isa na may 180 araw na pasok at 15 in-person classes tuwing Sabado, o isa na may 165 araw na pasok at walang in-person classes tuwing Sabado. Pareho sana itong magtatapos sa Marso 31, 2024.


Gayunpaman, tinanggihan ni Marcos ang parehong opsyon upang hindi masakripisyo ang Sabado ng mga estudyante.sa "Hit Man" ng Netflix kasama si Glen Powell.

0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page