top of page

Swiss guy, ayaw tumira sa ‘Pinas… BELA, TODO-IYAK SA BREAKUP NILA NG BF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 13
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 13, 2025



Bela Padilla - IG

Photo: Bela Padilla - IG



Ang dahilan pala ng pagbabalik ni Bela Padilla sa Pilipinas ay ang breakup nila ng Swiss boyfriend niyang si Norman Bay.


Ito ang ibinunyag ng aktres sa kanyang panayam sa vlog ni Karen Davila.

“I think it was really just the reality of me moving back here. We had a talk, like it was a very mature conversation. We spoke about my moving back here,” she said.


Tinanong daw niya si Norman kung gusto rin nitong manirahan sa Pilipinas someday at mariing ‘no’ ang sagot nito.


“And I asked him, what are your plans for the next 5 years, the next 10 years? Do you see yourself moving here also? And at that time when we first had that conversation, he very bluntly said ‘No,’” pahayag ni Bela.


Pero inirespeto naman daw niya ang ex-BF sa desisyon nito dahil ganoon din naman ang nararamdaman niya noon.


“I super respected that ‘cause I am the same too. If he asked me back then, ‘If I ask you right now to get married so you would stay, would you say yes?’ I would’ve also said no. So I feel like we both knew where we had to be. And he has such a beautiful career also in London, he has such a good job. I feel like he has found his purpose also,” aniya.


Gayunpaman ay inamin ng aktres na iniyakan niya ang kanilang breakup.

“I cried a lot. I just saw something recently na parang the first one who speaks up bleeds first. Parang the first one who sees that it’s over bleeds first. And that’s true because I was the one who had to bring up the conversation so I guess I was in pain way before he was. 


“I don’t know if he saw it too and he just didn’t wanna speak up or he didn’t wanna say anything, but I had to be the bigger person I guess, and bring up the conversation,” saad ni Bela.


The good thing about it ay nanatili naman daw silang magkaibigan at binisita pa siya sa shooting noong Mayo.


“We talk almost every day. We are super close friends. Actually he visited me pa noong May,” sey niya.


Well, magkabalikan pa kaya sila ng kanyang Swiss BF? 



NAWINDANG ang mga manonood ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ) matapos ang tila dayaan na naganap sa kontrobersiyal na eleksiyon kung saan tumakbo bilang mayor si Tanggol (Coco Martin).


Mukhang nagkadayaan nga sa eleksiyon dahil sina Miguelito (Jake Cuenca) at Roberto (Albert Martinez) ang idineklarang panalo kahit lamang sa kanila ang karibal nilang sina Tanggol at Olivia (Chanda Romero) sa naunang bilangan ng boto.


Dahil takot na mawala ang kanilang kapangyarihan sa pagkatalo, inutusan ni Roberto ang mga tauhan niya na gawin ang lahat para maupo sa puwesto ang pamilya Guerrero kapalit ng malaking halaga ng pera.


Ngayong lumalaki ang alitan sa pagitan ng mga Guerrero at Montenegro, mangyayari na ang pinakamalaking giyera sa pagitan ng dalawang pamilya. Susugurin kasi ng mga Guerrero ang mansiyon ng mga Montenegro pero hindi nila alam na nakahanda na ang batalyon ng mga tauhan sa pangunguna ni Tanggol.


Samantala, naaliw ang mga netizens sa eksena nina Cherry Pie Picache at Chanda Romero kung saan nakahanda nang litsunin ni Olivia si Marites (Cherry Pie) nang ipasok ito sa oven. Dinukot kasi ni Olivia si Marites bilang ganti niya sa pagbaril ni Marites sa nanay niya.


Sinu-sino mula sa pamilya Guerrero at Montenegro ang mamamaalam? Ano na ang plano ni Tanggol matapos matalo sa eleksiyon?


Huwag palampasin ang maaaksiyong kaganapan sa BQ na hango sa orihinal na kuwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWant, at Kapamilya Online Live. 


Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page