top of page
WINNER - TITO-KIKO SA 2028, ISINUSULONG-IG _reallysharoncuneta.jpg

Ang lakas daw siguro ng manager… SUZIE, AMINADONG SUMAMA ANG LOOB NANG PALITAN NI IYA SA SHOW

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 4 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | May 26, 2026



TALKIES - SUZIE, AMINADONG SUMAMA ANG LOOB NANG PALITAN NI IYA SA SHO-IG _mars_suzi

Photo: IG _mars_suzi



Inamin ng TV host na si Suzie Entrata-Abrera na nalungkot siya noong pinalitan siya ni Iya Villania sa programang Mars noon.


Kamakailan lang ay nag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) kasama ang kanyang mga “Mars” na sina Camille Prats at Iya Villania.


Diretsahang tanong ng King of Talk na si Boy Abunda, “Suzie, nu’ng pinalitan ka nu’ng pumasok si Iya — remember after 7 years from GTV to GMA-7, and then Iya had to come in to do the show with Camille Prats — sumama ba ang loob mo?”


Pabirong sagot ni Suzie na nagdulot ng tawanan ng mga nasa studio, “Yeah. Actually, matagal ko nang itinatago ‘to.”


Dagdag na seryosong sagot ni Suzie, “Actually, s’yempre, I was sad na ‘di ako kasama na lumipat ‘yung Mars. And I would’ve wanted to join the two of them. Or actually, kasi kami naman talaga ni Camille ‘yung original ‘Mars’, eh. Kasi it would have been so awesome kung naging kaming tatlo.


“But unfortunately, si Iya nu’ng lumipat sa GMA-7, s’ya ang nakuha. Ang lakas siguro ng manager nito.”


Hirit na tanong ni Boy, “But why couldn’t you do it? Because you were also with Unang Hirit, ‘di ba?”


Saad ni Suzie, “Of course, I felt bad about it because everybody moved to GMA, except for me, to the main channel. But I made sure to message Iya, to let her know that, although it wasn’t for me to say na ‘It’s okay with me, ha?’ kasi ‘di naman ako ‘yung nagdesisyon na ‘to ‘yung gagawin natin, ha? But I just wanted her to feel comfortable.


“That if it were anybody, I mean, I wanted, it would be so wonderful that it was her.”

Well, kahit sino naman ang nasa kalagayan ni Suzie Entrata-Abrera, masasaktan kapag biglang pinalitan sa show na minahal niya. Tao lang siyang may puso at damdamin.

Pak, ganern!





“My birthday became extra special because of all of you,” ang pahayag ng aktres at lider ng Sexbomb Girls na si Rochelle Pangilinan para sa kanyang ika-44 na kaarawan noong Mayo 23, 2026.


Ibinahagi ni Rochelle ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa kanyang Sexbomb family, pamilya, mga producer, at sa kanyang loyal fans.


Sey ni Rochelle, “Another year older, wiser... at mas lalong grateful.

“Sa aking Sexbomb family, maraming salamat sa pagmamahal, tawanan, kulitan at pagiging tahanan ko sa loob ng maraming taon. ‘Di man tayo perfect, pero ang samahan natin ay totoong-totoo at habang-buhay kong iingatan.


“Sa aking pamilya, thank you for always being my strength, my comfort and my safe place. Kayo ang dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban at nangangarap.


“Sa aming producers at mga taong walang sawang sumusuporta sa amin behind the scenes, thank you for believing in us and for making beautiful things happen.

“‘Di magiging posible ang lahat kung wala kayo.


“At s’yempre… sa aming mga loyal fans na lumaki kasama ang SexBomb, maraming-maraming salamat. 


“Hanggang ngayon, dama ko pa rin ang pagmamahal ninyo. Salamat sa bawat sigaw, suporta, memories at walang sawang pag-stay.


“My birthday became extra special because of all of you. Love na love ko kayo.”

Happy birthday to the Queen Bomb, Rochelle Pangilinan! Get, get, awww!





INILUNSAD na ng ABS-CBN Music ang CAT Records, ang record label na magbibigay ng bagong buhay sa mayamang catalog ng Original Pilipino Music (OPM).


Pangungunahan ng music publishing group ng ABS-CBN ang label na magsisilbing platform para sa bagong bersiyon ng mga natatanging komposisyon ng Filipino composers na bahagi ng malawak na catalog ng ABS-CBN Music.


Misyon nito na panatilihin ang mga kuwento at himig ng mga awiting tumatak sa kulturang Pinoy at magbigay ng pagkakataon para sa mga artists, producers, at musicians ngayon na bigyan ang mga ito ng sariling interpretasyon para sa bagong henerasyon.


Kabilang sa mga singers na magiging bahagi ng CAT Records sina CIFRA, Gab Tagadtad, Gino Nazal, Jeri Violago, JM Yosures, at SAGA.


May bagong rendition si CIFRA sa OPM classic na Ipagpatawad Mo mula kina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon o kilala bilang TVJ. May modern take naman ang singer-songwriter at producer na si Gab Tagadtad sa Panaginip Lang. Isa rin siya sa mga producers na makakasama sa CAT Records.


May instrumental project na ilalabas ang kilalang gitarista na si Gino Nazal. Si Jeri Violago ang unang singer-songwriter ng label. 


Bibigyang-buhay naman ni JM Yosures ang kantang Ang Hirap Maging Mahirap, habang pangmalakasang interpretasyon naman ang handog ni SAGA sa awiting Diamante


Makakasama rin sa CAT Records family sina BRYN, Sarvi, at YellowPad.

Samantala, kasama rin sa mga unang proyekto ng CAT Records ang isang koleksiyon ng jazz instrumental versions ng classic songs ng ‘70s icon na VST & Co.. Ipo-produce ang koleksiyon ng music arranger na si Sunny Ilacad at ipe-perform ng saxophonist na si Jun Figueroa na magtatampok sa Awitin Mo, Isasayaw Ko at iba pang classics, na napapakinggan na simula nu’ng Mayo 22, 2026.


Kabilang din sa mga producers at composers na bubuo sa tunog ng CAT Records sina Christian Martinez, Kiko Salazar, Raizo Chabeldin, at Sunny Ilacad.

‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page