Sweet Luck mapapalaban kay Lion's Gate
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | February 17, 2022
Dalawang Condition races ang pakakawalan ngayong araw ng Huwebes sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite kaya tiyak na masisiyahan ang mga karerista.
Magtatagisan ng bilis ang anim na tigasing kabayong kalahok sa Condition Race (23) kung saan ay markado si Sweet Luck na sasakyaa ni Po Refe sa distansiyang 1,300 meter.
Pero base sa debate ng mga karerista sa social media ay mapapahirapan si Sweet Luck bago makuha ang panalo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Kahit ipinapatok ng mga karera tipsters sa programa si Sweet Luck ay paniguradong hindi magiging madali kung sakaling manalo ito. "Magagaling ang mga kasali at balita ko maganda ang ensayo ng Lion's Gate kaya bakbakan 'yan sigurado," saad ni Angelo Lompot, veteran karerista.
Bukod kay Lion's Gate, ang ibang makakatagisan ng bilis ni sweet Luck na bagabayan ni PO Refe ay sina Yes I Will, Gensan Special, Lion's Gate, Hello Junior at Olympic Gold.
Maliban kay Lion's Gate posibleng maging mahigpit na karibal din ni Sweet Luck si Olympic Gold base sa komento ng mga karerista.
May distansyang 1,300 meter ang nasabing karera na ilalarga sa pang-limang race.
Limang kabayo ang magtatagisan ng bilis sa Condition Race (24) na ikakasa sa pang-anim na karera.
Magbabakbakan sina Grand Princess, Polloc Island, I Don't Mind, Charger at Konzeelanz sa pareho ring distansya.
Samantala, pitong races ang inihanda ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) kaya tuloy-tuloy ang pagsasaya ng mga karerista sa kanilang paglilibang.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1. Striker's Symbol (7), Aida's Favorite (9), Ten Ten Forty (8)
Race 2. Pilya (2), Arrows Up (4), Red Hawk, (6)
Race 3. Munich/Save By Hope (1A/1), Kingship (3), Chase The Gold (9)
Race 4. Old Timer/Speak Easy (5/5A), Shine (2)
Race 5. Lion's Gate (4), Sweet Luck (1)
Race 6. Konzeelanz (6), Polloc Island (2)
Race 7. Top Romance (9), Inter State/Big Hook (1/1A), Stark (6)
Patok - Munich/Save By Hope
Pandehado - Pilya, Lion's Gate





Comments