Swak sa UniTeam nina BBM at Mayor Sara si Gen. Eleazar
ni Ka Ambo - @Bistado | February 10, 2022
UMARANGKADA na ang official campaign period para sa national candidates.
Wala sanang dumanak na dugo!
◘◘◘
KAPOS ng isang kandidatong senador ang UniTeam nina BBM at Mayor Sara.
Iminumungkahi nating ipasok si ex-PNP Chief Guillermo Eleazar!
◘◘◘
KAILANGAN ng UniTeam ang isa pang malakas na katiket.
Makokompletos-rekados ang UniTeam kapag nariyan si Gen. Guillermo!
◘◘◘
NAKAPASOK na sa Magic 12 si Eleazar kompara sa ilang mahihinang kandidato.
Malinaw na karapat-dapat siyang mapasama sa Senado!
◘◘◘
NAAAREGLO na ang Russia.
Maganap sana ang imposible!
◘◘◘
BOBOYKOT ang India sa Beijing Olympics.
Ito na kaya ang “Waterloo” ng China?
◘◘◘
INAASAHANG magmamarka ang India bilang isa sa pinakamakapangyarihang bansa sa daigdig.
Sa kasaysayan, matagal nang napasok ng India ang Pilipinas — at malaking “cash” ang pinagagalaw ng mga Bumbay sa underground economy ng Pilipinas.
◘◘◘
MILYUN-MILYONG micro industry ang tinutustusan ng mga Indian national na binansagang Bumbay.
Bilyun-bilyong piso ang umiikot sa halos lahat ng barangay sa Pilipinas mula sa mga Bumbay.
◘◘◘
TALIWAS sa gobyerno at pribadong bangko, walang tsetse-buretse na nagpapautang ang mga Bumbay sa ordinaryong vendors.
Mayroon bang ganyan ang mga Chinese at ‘Kano?
Wala!
◘◘◘
KAHIT ang military hardware at aerospace ay napasok na ng India.
Ang mayorya ng COVID-19 vaccine ay aktuwal na ginagawa at konsepto ng mga Indian experts!
◘◘◘
HINDI nanghihimasok at nananakop ang India kumpara sa US, China at Russia.
Ang India ang dapat maging hari ng daigdig!
◘◘◘
DAPAT nang simulan ang preparasyon sa face-to-face classes.
Masyadong nagkakamal ng salapi ang ilang pribadong eskuwelahan.
Tumatabo sila ng tuition fee, pero hindi nagagamit ang kanilang pasilidad.
Kabilang sila sa mga buwitre sa panahon ng pandemic!





Comments