Suwerte sa biyenan… PAMILYA NI KOBE, SUPER-BAIT KAY KYLINE
- BULGAR

- Jul 29, 2024
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary| July 29, 2024

Wala nang maitatanggi pa ang celebrity couple na sina Kyline Alcantara at Kobe Paras.
Namataan ang dalawa na kasama nila ang amang si Benjie Paras at brother nitong si Andre Paras kasama ang girlfriend na si Honey Escarez.
Nakitang kasama ni Kyline ang pamilya ni Kobe sa video na ito na ibinahagi ng TikTok user na si @poppie016.16 nu’ng Hulyo 26.
Magka-holding hands sina Kyline at Kobe habang papalabas ng establisimyento.
Kamakailan lang sa isang panayam sa basketbolista sa GMA Gala 2024, nang matanong kung ano na ang status ng kanilang relasyon ng Kapuso actress, buong diin na sabi ni Kobe na sila ay very close friends at wala pa raw siyang sinasabi kay Kyline.
Sa isang clip naman, makikitang inaayos ni Kyline ang buhok ni Kobe.
Unang kumalat ang mga tsismis tungkol sa kanila nu’ng Mayo, matapos silang makitang magkasama sa ilang pagkakataon, kabilang na ang paglabas sa Taguig, pagdalo sa isang birthday party, at sa pagbubukas ng tattoo shop ni Kobe.
Siguro naman, hindi na itatanggi ng dalawa ang kanilang relasyon dahil sa resibong ito na lumabas.
Komento nga ng mga netizens sa nasabing video:
“Ano ang mga sinasabi nila? Sabi ba ni Sir Benjie, ‘‘Yung mga asawa ng anak ko, kasama nila
‘yung asawa nila, ako hindi.’ Whahaha! delulu (delusional) na ‘ko rito.”
“Oh no, he did the thumb thing.”
“Jusko, parang ang sarap magka-boyfriend ng isang Kobe Paras.”
“Omg! (Oh my, God!) Agree, ang bait ng family kay Kyline. ‘And’yan ang Daddy Benjie Paras.”
“Super-bait ng Paras family.”
“Ganitong parents, supportive. Nasa tamang biyenan ka, Kylie.”
“Benjie Paras, ikaw na. Grabe ang support n’ya sa love life ng mga anak n’ya.”
IBINAHAGI ni Luis Manzano ang snap ng kanyang yearbook photo sa kanyang social media kamakailan. Muling nag-spark ang tawanan ng kanyang mga followers dahil sa funny caption na isinulat niya sa kanyang yearbook photo.
Base sa yearbook ng TV host, member siya ng kanilang school Chess Club at Basketball Team during the intramurals.
Aniya, “Life and nature are two things needed in our everyday life. Life needs nature; while nature also needs life. It is like a cycle that happens everyday, maybe we didn’t yet realize it but it happens all day and night.”
Nagbiro pa ang TV host na puwede siyang maging secretary of the Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa malalim niyang thoughts tungkol sa nature.
Kahit na parehong sikat ang parents ng TV host na sina Vilma Santos at Edu Manzano sa showbiz industry, hindi niya ginawang stepping stone ang kasikatan ng mga magulang para magkaroon ng sariling pangalan sa industriya.
Mas nag-concentrate siya sa hosting kesa ang umarte sa harap ng camera and he made his own name in the industry as a TV host. Isa na siyang most in-demand TV host in the industry.
May kakaiba kasing style si Luis as a TV host, magaling magpatawa habang nagho-host. Maging sa mga vlog post niya sa kanyang YouTube (YT) channel na ang title ay Luis Listens, hindi nawawala ang mga funny jokes niya na mabiling-mabili sa kanyang guests at sa mga viewers.
BINALAAN ni Aubrey Miles ang scammer na gumamit ng kanyang pangalan para makapanloko sa mga tao.
Aniya, ang mga numerong +639564808845 at 09304500726 ay hindi kanya at hinihikayat ang publiko na huwag magpaloko. Ginagamit daw ng scammer ang mga numbers at nagpapakilalang Aubrey Miles at saka hihingi ng tulong o anupaman.
Pinaalalahanan din ng aktres ang lahat na maging mapanuri sa mga lumalapit at humihingi ng tulong gamit ang kanyang pangalan.
Sa isang post sa Instagram (IG), ipinaalam ni Aubrey na hindi siya ang nasa likod ng mga mensahe at tawag na humihingi ng tulong.
Ipinahayag niya ang kanyang galit at pinaalalahanan ang scammer na tumigil na sa panloloko.
Dagdag pa niya, madali lamang nilang matutukoy kung sino ang nasa likod nito kaya’t mas mabuti na maghanap na lamang ng trabaho ang scammer at huwag maging tamad.




Comments