top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

SUV, sumalpok sa poste ng kuryente…Vice mayor at konsehal ng Pitogo, Quezon, nadale

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 1, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | October 1, 2022



Isang vice mayor at isang konsehal ang nasugatan matapos na sumalpok ang kanilang sasakyan sa poste ng kuryente at pader ng bahay sa Pitogo, Quezon.


Batay sa report ng Pitogo Police, minamaneho ng 42-anyos na si Vice Mayor Paul Timothy Villaflor ang kanyang SUV habang sakay si Konsehal Alexander Mosquite, 43-anyos, kung saan patungo sila sa bayan ng Gumaca. Pagdating nila sa isang kurbadang kalsada sa Barangay Amontray, Pitogo, rito nawalan ng kontrol sa manibela ang vice mayor.


Unang sumalpok ang SUV sa poste ng kuryente saka ito bumangga sa pader ng isang bahay na nasa gilid naman ng highway.


Nagtamo ang dalawa ng mga sugat sa ulo at katawan.


Agad ding isinugod ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Pitogo ang mga biktima sa ospital sa Gumaca.


Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, mabilis umano ang takbo ng SUV kaya nag-overshoot ito sa kurbadang bahagi ng kalsada na naging sanhi ng naturang insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page