SUV na may kaugnayan sa pagkawala ni Catherine Camilon, natagpuan

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 10, 2023

Natagpuan ng mga awtoridad ang isang abandonadong SUV na may kaugnayan sa pagkawala ni Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon, ayon sa ulat ng pulisya ngayong Biyernes.
Natanggap ng pulisya sa Calabarzon ang tawag tungkol sa isang pulang Honda CRV na iniwan sa isang bakanteng lote sa Sitio Ilaya, Barangay Dumuclay, Lungsod ng Batangas noong Miyerkules.
Walang plaka at walang conduction sticker ang sasakyan.
Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng may-ari ng iniwang sasakyan.





Comments