Susunod na pa-debate para sa eleksyon, malamang langawin
- BULGAR
- Apr 5, 2022
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 5, 2022
KANDIDATURA NI GADON FOR SENATOR, REJECT KAY P-DUTERTE — Labimpitong kandidato sa pagka-senador ang inendorso ni P-Duterte, at sa 17 ito ay hindi kasama si Atty. Larry Gadon ng KBL (Kilusang Bagong Lipunan).
Kung ganu’n, hindi pala type ni P-Duterte na maging senador si Gadon kaya hindi niya inendorso ang kandidatura nito, boom!
◘◘◘
SINO KAYA SA 5 INENDORSO NI P-DUTERTE ANG 'MALALAGLAG'? — Labing-dalawang kandidato sa pagka-senador lang ang mananalo sa eleksyon, pero 17 kandidato ang inendorso ni P-Duterte.
Dahil d’yan ay tiyak may malalaglag sa 17 inendorso.
Kaya't ang tanong: Sino kaya sa 17 senador ang ikakampanya nang todo ni P-Duterte para pumasok sa top 12? Abangan!
◘◘◘
BAKA SA MGA SUSUNOD NA HALALAN WALA NG KANDIDATONG SUMIPOT SA MGA DEBATE — Madalas isnabin ni presidential candidate, former Sen. Bongbong Marcos ang mga pa-debate para sa mga presidential candidates, pero sa kabila ng pang-iisnab niya ay pataas nang pataas ang nakakamit niyang rating sa mga inilalabas na survey ng mga survey firms para sa mga kandidato sa pagka-presidente.
Kung ganyan na hindi na pala mahalaga sa mga botante ang mga debate sa mga kumakandidato kasi nga nakakakuha ng mataas na rating ang mga hindi dumadalo sa mga pa-debate, ay asahan nang sa mga susunod na eleksyon ay iisnabin na ng mga kandidato ang anumang mga pa-debate sa mga kandidato, boom!
◘◘◘
2 BESES NATALO ANG MARCOS SA BUKIDNON KAYA SIGURO MAY HINANAKIT SI BBM KAY GOV. ZUBIRI — Sa grand rally ng UniTeam sa Bukidnon, ay nag-viral ang video na iniiwas ni BBM ang kamay niya na hinawakan ni Bukidnon Gov. Jose Maria Zubiri para itaas.
May punto naman si BBM na iiwas ang kanyang kamay kay Gov. Zubiri bilang pagpapakita na may hinanakit siya kasi dalawang beses nakatikim ang Marcos ng talo sa Bukidnon, dahil noong 2016 vice presidential race ay tinalo ni Vice Pres. Leni Robredo si BBM, si Leni ay nakakuha rito ng 211,512 votes, samantalang 127,688 votes lang nakuha ni Bongbong, at noong 2019 senatorial election ay hindi pumasok sa top 12 si Sen. Imee Marcos. period!





Comments