top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Suspek sa pagpatay sa radio anchor, timbog sa buy-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 18, 2023
1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 18, 2023


Naaresto sa buy-bust operation ngayong Sabado ang isa sa mga tinitingnang suspek sa pagpatay sa radio anchor na si Juan "DJ Johnny Walker" Jumalon.


Isa rin ang nahuling suspek sa pinaghihinalaang pumatay sa isang engineer sa munisipyo nu'ng Oktubre 2023.


Batay sa ginawang pagsusuri ng pulisya, pinaniniwalaang sangkot din ang suspek sa pagpatay kay Jumalon dahil ang mga balang nakuha sa pamamaril sa engineer ay tugma sa mga bala na nakuha sa pagpaslang sa radio anchor.


Ayon kay Philippine National Police Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, maaaring isa ang suspek sa dalawang hindi pa nakikilalang nagsilbing lookout sa ginawang karahasan kay Jumalon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page