top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M

Suspek, nai-video muna ang sarili... Spy cam sa CR ng mga babae, buking

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 57 minutes ago
  • 1 min read

ni Mervin Reyes @News | August 28, 2026



Spy camera sa CR ng babae, kalaboso - Circulated, GMA, Manila

Photo: Circulated, GMA / Manila



Arestado ang isang lalaki matapos mabisto ang umano’y pamboboso sa dalawang babaeng katrabaho gamit ang spy camera na itinago sa banyo ng kanilang staff house sa Malate, Maynila.


Ayon sa ulat, nahuli ang suspek matapos makita sa video ang sarili niyang mukha habang inilalagay ang spy camera sa banyo.


Napansin umano ng isang babaeng empleyado ang isang hugis-ballpen na device na nakasingit sa gilid ng inidoro habang naliligo. Nang suriin ito, nakita nilang may memory card sa loob.


Nang buksan ang mga file sa computer, nakita ang dalawang babaeng empleyado na nakuhanan umano ng video habang nasa banyo.


Natukoy ang suspek matapos mapanood sa footage ang kanyang sarili habang sine-set up ang camera.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page