top of page

Surigao del Sur, niyanig ng 4.9 magnitude na lindol

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 24, 2021
  • 1 min read

ni Lolet Abania | October 24, 2021



Niyanig ng 4.9 magnitude na lindol ang katubigang bahagi ng Surigao del Sur ngayong Linggo ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).


Alas-7:08 ng umaga ngayong Linggo naitala ang lindol sa layong 08.49°N, 127.25°E - 102 km N 82° E ng Hinatuan, Surigao del Sur.


Sa tala ng Phivolcs ang lindol ay may lalim na 16 km habang ito ay isang tectonic in origin. Naramdaman din ang lindol na nasa Intensity III sa Lingig, Surigao del Sur.


Ayon sa Phivolcs wala namang naitalang napinsala subalit posibleng magkaroon ng mga aftershocks.


Unang nai-report na ang pagyanig ay nasa 5.3 magnitude na lindol subalit naglabas ang PHIVOLCS ng updated na impormasyon at ni-revised ito sa magnitude 4.9 na lindol sa Surigao del Sur.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page