ni Lolet Abania | August 17, 2022
Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang Socorro, Surigao del Norte ngayong Miyerkules ng hapon, batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ayon sa earthquake bulletin ng PHIVOLCS, alas-5:35 ng hapon naitala ang tectonic na lindol na may lalim na 132 kilometro.
Habang ang epicenter ng lindol ay matatagpuan sa layong 5 kilometro northwest sa bayan ng Socorro.
Sinabi pa ng PHIVOLCS, naramdaman ang Intensity II sa Carrascal at Tandag, Surigao del Sur habang Instrumental Intensity I naman sa Cabadbaran City, Agusan del Norte at Surigao City, Surigao del Norte.
Anang ahensya, wala namang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.