top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Suportado rin ng mga Muslim… ROBIN, PASOK SA TOP 12 SENATORIABLES DAHIL KAY P-DU30

BULGAR
Mar 2, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | March 2, 2022



Sikat na action star si Robin Padilla. Iniidolo siya ng mga kabataan dahil sa kanyang mga characters sa mga pelikulang kanyang nagawa.


Kilalang-kilala rin siya sa Muslim community sa Mindanao. At tulad noon ni FPJ (SLN) na minahal ng Muslim community, si Robin Padilla ang itinuturing na superhero na iniidolo sa Mindanao. Kaya, tiyak na solid at malaking boto ang makukuha ni Binoe rito.


Ganunpaman, malaking factor din na ineendorso si Robin Padilla ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kaya naman, sa recent survey na lumabas para sa mga senatoriables, pasok na si Binoe sa Top 12.


At hindi naman nagpapakampante si Robin dahil napakasipag niyang mag-ikot sa mga probinsiya para mangampanya.


Masang-masa ang kanyang style sa mga rally kaya tuwang-tuwa sa kanya ang lahat. At dito rin niya nailalabas ang talent niya sa pagkanta.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page