Suplay ng bigas at gulay, posibleng bumaba sa El Niño
- BULGAR

- Apr 25, 2023
- 1 min read
ni Madel Moratillo | April 25, 2023

Dahil sa banta ng pagpasok ng El Niño, nangangamba ang isang grupo ng mga magsasaka sa posibilidad ng pagbaba ng suplay ng gulay at bigas.
Pero ayon kay dating Agriculture Secretary Leonardo Montemayor ng Federation of Free Farmers, dedepende ang lawak ng epekto nito sa kung gaano katindi ang El Niño.
Kaya malaking bagay aniya kung mapaghahandaan ito at magagabayan ng Department of Agriculture ang mga magsasaka sa pagpapalit ng mga itatanim.
Ang Bureau of Plant Industry, tiniyak naman na may mga hakbang silang ipinapatupad para mapaghandaan ang El Niño.
Maging si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. tiniyak na naghahanap na ng paraan ang gobyerno para hindi na maging dependent sa underground water ang mga sakahan.
Isa sa nakikita na solusyon aniya rito ang pagkolekta ng tubig-ulan.
Ginagawan na rin umano ng paraan para maka-install ang mga local government unit ng sarili nilang water supply system.





Comments