top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Suplay ng bakuna, ibubuhos ba sa eleksiyon pambili ng boto?

Writer: BULGAR
BULGAR
May 14, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 14, 2021



COVID-19 VACCINES SA 2022 ELECTION NA IBUBUHOS PARA PAMBILI NG BOTO?—Kinuwestiyon nina Manila Mayor Isko Moreno at dating IATF (Inter-Agency Task Force) adviser, Dr. Tony Leachon kung bakit iniimbak ng Department of Health ng pagkatagal-tagal sa mga bodega ang mga COVID-19 vaccines na dumating sa bansa, at “pautay-utay” lang ang ginagawang pamamahagi ng mga bakuna sa LGUs.


Baka naman sa 2022 election pa ibubuhos ng national gov’t. ang mga bakuna para ipambili ng boto? Joke-joke-joke!


◘◘◘


IMBES NA MABAWASAN, LALO PANG DUMAMI ANG MGA BARKO NG CHINA SA WEST PH SEA—Imbes na mabawasan ay lalo pang dumami ang mga barko ng China sa West Philippine Sea (WPS).


Kung dati ay 220 lang, ngayon ay 287 na ang mga barko ng China na nasa West PH Sea.


Lalakas talaga ang loob ng China na magpadala nang magpadala ng kanilang mga barko sa West PH Sea kasi nga nakikita ng Chinese gov’t. na nakakiling sa kanilang bansa ang pangulo ng Pilipinas, boom!


◘◘◘


KASIRAAN SA PDP-LABAN ANG HINDI PAGTUPAD NI P-DUTERTE SA ‘CAMPAIGN PROMISE’ NA IPAGLALABAN ANG KARAPATAN NG ‘PINAS SA WESTH PH SEA—Binatikos ng ilang miyembro ng PDP-Laban ang kanilang party president na si Sen. Manny Pacquiao sa pagkuwestiyon nito sa kanilang party chairman emetirus na si P-Duterte sa isyung hindi pagtupad sa campaign promise nito na ipaglalaban ang karapatan ng Pilipinas sa West PH Sea at hindi pagtupad sa sinabing magdye-jet ski siya sa Spratly Island.


Hay naku, imbes na makiisa ang lahat ng taga-PDP-Laban kay Pacquiao sa pagkuwestiyon kay P-Duterte kasi kasiraan sa kanilang partido ang hindi pagtupad ng pangulo sa kanyang campaign promise, si Pacman pa ang kanilang kinaiinitan, mga buwisit!


◘◘◘


KUNG JOKE KAY P-DUTERTE ANG PRAMIS NA MAGDYE-JET SKI, HINDI JOKE ANG PANANAKOP NG CHINA SA WEST PH SEA—Hanggang ngayon ay pinuputakti pa rin ng batikos si P-Duterte sa kanyang sinabi na ‘joke lang’ niya ang campaign promise na magdye-jet ski sa Spratlys Island para itirik ang Philippine flag.


Puputaktihin talaga ng batikos kasi ang pananakop ng China ngayon sa West PH Sea ay hindi joke, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page