top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Suplay ng baboy, sapat para sa Kapaskuhan – DA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 4, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | December 4, 2022



Ipinahayag ng Department of Agriculture (DA) na mayroon pang sapat na suplay ng mga baboy para matugunan ang demand nito sa mga pamilihan ngayong holiday season.


Sa isang radio interview ngayong Linggo, sinabi ni DA deputy spokesperson Rex Estoperez na dahil sa mas gusto ng mga konsyumer na bumili ng fresh meat o sariwang karne, ang mga nagbebenta lamang ng frozen meat ang nag-aatubili na maglabas ng kanilang mga supplies nang maramihan.


Gayunman, tiniyak ng opisyal na walang pork shortage, lalo na ngayong papalapit na ang Kapaskuhan.


“’Yung ina-assure natin sa ating mga kababayan, sobra-sobra ‘yung karne ng baboy ngayon. ‘Wag silang mabahala do’n,” saad ni Estoperez.


“Ayun nga lang, kung may frozen at mababa, depende sa inyo kung tangkilikin niyo ‘yun.


Kung bagong katay, sa inyo naman ang preference. Pero, wala tayong kakulangan sa karneng baboy lalung-lalo na nalalapit ang Pasko,” dagdag niya.


Nitong Miyerkules, ipinahayag din ng grupo ng mga magsasaka na Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na mayroong sapat na supply ng baboy para sa holiday season kahit pa tumaas ang mga presyo nito sa karamihang wet markets sa Metro Manila.


Ayon sa grupo nasa tinatayang P155 hanggang P175 kada kilo ang farmgate prices ang mga buhay na baboy.


Gayunman, ang mga presyo ng pork products sa maraming wet markets sa Metro Manila ay tumaas ng P300 kada kilo.


Sa Commonwealth Market, ang mga pork meats ay ibinebenta ng P270 kada kilo habang ang liempo ay may presyong P300.


Batay sa DA, “The government is now focusing on boosting the live hog production in the country after six regions were hit by the African swine fever.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page