Super-yaman na, 'di pa rin kuntento… SHARON, TUMAYA NG LOTTO SA TATE
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 2, 2022

Naglakas-loob si Sharon Cuneta na pumunta ng lotto outlet para personal na makapili ng gusto niyang numerong tatayaan sa lotto.
Sa US lotto outlet tumaya ang Megastar dahil nasa Tate pa siya at hindi pa magaling para bumalik ng 'Pinas.
May Iconic concert si Megastar with Asia's Songbird Regine Velasquez, pero hindi nga siya nakabalik ng 'Pinas dahil right after ng concert nila ni Regine ay bumigay na ang kanyang katawang lupa.
Nagbigay siya ng update sa kanyang Instagram account hinggil sa kanyang kalagayan.
“Was still feeling a bit weak - til now am not feeling 100% yet - but it was really nice being able to take a walk! Weather was nice.”
“And I bought a lotto ticket for the first time ever. Ako ang nagpunta sa store at pumili ng numbers,” dagdag pa ni Mega.
Hindi na binanggit ni Shawie kung saang lottery outlet siya tumaya.
Dalawa raw ang popular lottery draws sa United States, namely Mega Millions and Powerball.
Sey ng isang netizen, baka raw sa MM tulad ng kanyang alias na Megastar.
Naku, saanman tumaya si Shawie, sana manalo siya.
Komento naman ng isa, "Super rich na si Mega, gusto pa ring yumaman nang husto."





Comments