top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Super Swerte, patok sa Metro Turf, Malvar

Writer: BULGAR
BULGAR
May 8, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | May 8, 2022


Ipinapatok ng tipsters sa programa ng karera ang kabayong Super Swerte sa magaganap na PHILRACOM Chairman's Cup na lalarga ngayong araw sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Rerendahan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jessie Guce, inaasahang mapapalaban si Super Swerte sa mga champion horse na sina Boss Emong at dating Presidential Gold Cup winner Pangalusian Island.


May guaranteed prize na P2.5M sa distansyang 2,000 meters, ang ibang kalahok ay sina Isla Puting Bato at Big Lagoon, ang nasabing event ay suportado ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) sa pamumuno ni Chairman Reli De Leon.


Ayon sa mga karerista, malaki rin ang tsansang manalo ni Pangalusian Island dahil mahaba ang karera, lalo na't kung mag-uubusan sa unahan sina Super Swerte at Boss Emong.


"Baka matsambahan sila (Super Swerte at Boss Emong) ni Pangalusian Island, malaki ang premyo kaya lahat 'yan naghanda," saad ni Carlito Legaspi, karera veteran.


Hahamigin ng mananalong kabayo ang halagang P1.5M, mapupunta sa second ang P562,500 habang tig-P312,500 at P125,000 ang third at fourth, ayon sa pagkakasunod.


Ilalarga rin ngayong araw ang Chairman's Cup Divisions II at III kung saan mga tigasing kabayo rin ang magtatagisan ng bilis kaya naman paniguradong masisiyahan ang mga karerista sa kanilang pananaya.


Samantala, 12 races ang inihain ng Metro Manila Turf Club, Inc. (MMTCI) ngayong araw, inaasahang sa unang karera ay mapapahirapan na agad ang mga karerista sa pagpili ng tatayaang kabayo.


Kasama sa tatayaan sa Race 1 ay ang winner take all kung saan may walong kabayo ang pagpipilian sa PHILRACOM rating Based Handicapping System Class 4.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page