Super Swerte, kontra Boss Emong at Sky Shot
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | February 20, 2022
Dumating na ang araw na pinakahihintay ng mga karerista dahil muli nilang masisilayan ang pagkikita sa pista ng tatlong tigasin at sikat na kabayo sa Pilipinas na sina Super Swerte, Boss Emong at Sky Shot.
Nakalaan ang guaranteed prize na P2.5M sa magaganap na 2022 Philracom Commissioners' Cup na ilalarga ngayong araw sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite kaya inaasahang bakbakan ang tatlong kontrobersyal na kabayo at apat pang matitikas na kalahok.
May distansiyang 1,600 meter race ang ibang kasali sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni Chairman Reli De Leon ay sina Best Regards, Son Also Rises, War Cannon at Pangalusian Island.
"Magkakaalaman na ngayon kung sino talaga ang mahusay na kabayo, silang tatlo ang talagang pinag-uusapan dahil naging kontrobersyal ang huli nilang laban noong nakaraang taon," saad ni Julian Cortez,veteran karerista.
Naging kontrobersyal na kabayo sina Super Swerte, Boss Emong at Sky Shot nang magharapo sila noong Disyembre 2021 sa Presidential Gold Cup race kung saan ay nagkaroon ng protestahan.
Rerendahan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jessie Guce si Super Swerte na tangkang sikwatin ang tumataginting na P1.5M premyo.
Susungkitin ng second placer ang P500,000 habang mapupunta sa 3rd at 4th ang tig- P250,000 at P125,000 ayon sa pagkakasunod.
Makatatanggap din ang 5th at 6th ng P75,000 at P50,000 habang mapapanalunan ng breeder ng winning horse ang P100,000.
Samantala, aabangan din ng mga karerista ang paghaharap ng siyam na kabayo kasama ang coupled entry sa 2022 PHILRACOM "Commissioner's Cup Division II na pakakawalan sa pang-limang karera.
Magtatagisan ng bilis sa habang 1,600 meter race sina Victorious Colt, Arrabiata, Isla Puting Bato, Magtotobetsky, Weather Lang, Flattering You, Batang Cabrera, Greatwall at Shining Vic.
Ibubulsa ng mananalong kabayo ang P450,000, mapupunta sa second placer ang P150,000 habang tig-P75,000 at P37,500 sa 3rd at 4th ayon sa pagkakasunod.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1. Havana Oohnana (3), Noh Sen Young Yana (9), Case Bell (10)
Race 2. Speeding Hero/Heroesdelninetysix (2/2A), Meteora/Serafina (5/5A), Mark Of Excellence (6),
Race 3. Tiger Boy/La Liga Filipina (4A/4), Spandau Ballet (12), Refuse To Lose (2)
Race 4. Can You Giub (7), Pitong Gatang (10), Ace Up (13)
Race 5. Arrabiata/Isla Puting Bato (2/2A), Batang Cabrera (6), Magtotobetsky (3)
Race 6. Good Reason (3), Lucky Julliane (6), Don Albertini (8)
Race 7. Super Swerte (5), War Cannon (6), Sky Shot (2)
Race 8. Dimakya Island/Beyond D' Sea (3/3A), Spunk Attack (13), Cool Mom (8)
Race 9. Rockaway (4), Divine Dancer (12), Lucky Noh Noh (3)
Race 10. Misaka (9), Double Strike (8), kapangyarihan (2)
Race 11. Toy For The Bigboy (10), Runway (2), Hookbung Dagat (6)
Race 12. My Sweet Lord (9), Air Class (4), Crown In My Head (6)
Race 13. Cherubim (4), Janni Banni (1), Amelia (6)
Race 14. Luke Skywalker (6), Reliable Den (4), Raxa Bago (2)
Race 15. Declare For Flare (4), Super Master (8), Nounpareil (11)
Patok - Super Swerte, Cherubim
Pandehado - Good Reason





Comments