Super Swerte babawian si Boss Emong sa Classic Cup
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | March 12, 2022
Patuloy ang baliktaktakan sa social media sa muling paghaharap nina Boss Emong at Super Swerte sa pista sa Marso 20.
Pakay ni Super Swerte na rumebanse kay Boss Emong pagkrus ng kanilang landas sa 2022 PHILRACOM "Classic Cup" race na pakakawalan sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Kapwa nagdeklara ng pagsali sina Super Swerte at Boss Emong sa distansiyang 1,800 meter race, sasakyan sila ng dalawang dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year Awardees, Jessie Guce at Jonathan Hernandez ayon sa pagkakasunod.
Tinalo ni Boss Emong si Super Swerte sa kanilang huling pagkikita sa 2022 PHILRACOM Commissioner's Cup na inilarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Nakalaan ang guaranteed prize na P2.5M sa nasabing event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon, ang ibang nominado ay sina Isla Puting Bato, Shining Vic, War Cannon at 2020 Presidential Gold Cup champion Pangalusian Island.
Tatanggapin ng mananalong kabayo ang P1.5M habang hahamigin ng second placer ang P562, 500, ibubulsa ng 3rd at 4th ang tig-P312,500 at P125,000.
Komento ng ibang karerista na posibleng mag-iba ng resulta ng laban dahil change jockey si Boss Emong. Si Dan Camanero ang gumabay kay Boss Emong nang manalo kay Super Swerte. "Malaking bagay ang hinete, kaya posibleng iba ang manalo," saad ni Pepito Lacanaria, veteran karerista.
Samantala, 7 races ang ilalarga ngayong araw ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI), tiyak na masisiyahan agad ang mga karerista sa bakbakan ng anim na tigasing kabayo sa Condition Race Merged na bibitiwan sa unang karera.
Magtatagisan ng bilis sa distansiyang 1,400 meter race ay sina Messi, Headmastership, Tool Of Choice, Adarna, Summer Cruise at Mandatum.
Posibleng maging liyamado sa laban ang Mandatum at Tool Of Choice.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1. Mandatum (6), Adarna (4)
Race 2. Baywatch (2), Kid Kenshin (1), Light And Shade (8)
Race 3. Elegant Lady (4), Jacqueline (7), Indy Bell (6)
Race 4. My Dear Magnolia (7), Pamato (4), Jolo's Pride (6)
Race 5. Stand By Me (7), Vivid Pink (5), A.P. Factor (3)
Race 6. Minalim (7), Miss Rosario (6), Stolen Moment (2)
Race 7. Pendant (10, Full Combat Order (5), Triple Track (3)





Comments