Super Master at Diwalwal, sasalang sa SLLP Carmona

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | May 4, 2022
Magsasanib-puwersa sina Super Master at Diwalwal pagsalang nila sa magaganap na PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ngayong araw.
Hawak ng Super Master ang numerong 7 habang 7A naman ang sa Diwalwal, makakalaban nila ang walo pang tigasing kabayo sa distansiyang 1,500 meter race.
Rerendahan ni AR Villegas si Super Master habang si FS Parlocha ang sasakay kay Diwalwal, nakalaan ang added prize na P25,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.
Ang ibang kalahok sa karerang may karagdagang P5,000 para sa mananalong kabayo ay sina Innocare, Ambisioso, Gee's City, Commodora, Sayaw Kikay, Joyful Princess, Rockaway at Double Shot.
Ayon sa mga komento ng karerista sa social media, posibleng magbigay ng magandang laban kina Super Master at Diwalwal ay sina Innocare at Commodora.
"Magandang manaya riyan sa grupo na 'yan tingin ko kalat ang bentahan kaya maganda ang bigayan d’yan kahit liyamado ang manalo," saad ni Jayson Dela Cruz, veteran karerista.
Tiyak na aabangan din ng mga karerista ang bakbakan ng anim na kabayo sa Condition Race Merged na pakakawalan sa pang-apat na karera.
Posibleng magdomina ng bentahan sina The Accountant na sasakyan ni CP Henson at Refuse To Lose na papatungan ni class A rider Kelvin Abobo.
Maliban kina The Accountant at Refuse To Lose, ang ibang makikipagtagisan ng bilis ay sina Bucasgrande Island, Medaglia D' Amor, Chrome Plater at Speeding Hero.
May distansiyang 1,500 meter race, ang nasabing mga karera ang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni Chairman Reli De Leon.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1. Super Master/Diwalwal (7/7A), Innocare (1), Rockaway (9)
Race 2. Don't Say Bad Words (10), Northern Fame (6), Fruity Pebbles (9)
Race 3. Colony Bell (2), Rancheros (5), Blue Mist (6)
Race 4. Speeding Hero (6), Refuse To Lose (2)
Race 5. Work Bell (8), Performance Gear (2), My Jopay (6)
Race 6. Reliable Den (1), Full Stream (5)
Race 7. Signature Whiskey (4), Filipino Emperor (8), Captain Sully (5)





Comments