top of page

Super lucky talaga… ANAK NI AGA, MAY SARILING MOVIE NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 11
  • 4 min read

Updated: Jul 12

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 11, 2025



Photo: Andres Muhlach - IG



Nasaksihan ni yours truly ang pagpasok sa showbiz industry ng model at aktor na si Aga Muhlach noong teen-ager pa siya kasi ay pamangkin siya ng best friend ni yours truly na sikat na aktres noon na si Amalia Fuentes, now in heaven (RIP).


Mula sa pagiging teen heartthrob noong 1984, sa pelikulang Bagets, na ang theme song ay ang kantang Just Got Lucky, na isang angkop na paglalarawan sa naging buhay ng aktor na si Aga, at ngayon ay multi-awarded actor at sikat pa rin.


Kaya naman, hindi na rin nakapagtataka na sumunod si Andres Muhlach sa yapak ng kanyang daddy dearest bilang magaling na aktor at sa kanyang mommy dearest na si Charlene Gonzales na dati ring aktres-beauty queen.


Last July 9 ay nagkaroon ng story conference ang movie na pagbibidahan ng guwapong aktor na si Andres at ng aktres na si Ashtine Olviga.


Naibahagi sa nasabing event ni Andres na masaya siya na ang first movie niya ay may pamagat na Minamahal at ang daddy dearest naman niya ay nagbida sa movie na may title na May Minamahal (MM) noong 1993 kasama si Tita Aiko Melendez niya.


Kuwento pa ni Andres, “Tapos ngayon, nakakatuwa na ‘yung first movie ko rin with Direk JP and Ash, Minamahal, at s’yempre, nagre-ready na kami ni Ash.


“Nagwo-workshop kami. It’s going to be a fun process and we’re gonna learn many new things especially since mga bago pa kami.”


Samantala, in just 24 hours nang ipalabas ang teaser ay nakakuha kaagad ito ng million views. Kaya naman natanong din si Andres kung may pressure ba siyang nararamdaman.


Saad ni Andres, “Nu’ng lumabas ‘yung teaser, s’yempre naman, may pressure rin kasi first lead role namin ito at first movie ko rin ito.


“Pero importante rin ‘yung pressure na ‘yun kung gusto mong gawin ‘yung good performance.

“Or if you want to be on top of yourself, you need that pressure, and I think nakaka-help naman din.


“And s’yempre naman, kinakabahan din ako,” kuwento ni Andres habang naka-all-smile at lalong lumabas ang kaguwapuhan, pinagsamang mukha nina Aga at Charlene.

Swak na swak ang love team ng Viva Films called AshDres, referring to Ashtine at Andres.


Sigurado si yours truly na maganda itong movie na ito. Sa teaser pa lang, panalo na, at hindi pa man nagsisimula ang shooting ng Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna (M100BPKL) na launching movie nina Ashtine Olviga at Andres Muhlach sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana ay may playdate na. 


Kanta na nga lang tayo ng theme song ng Bagets na Just Got Lucky para mahawahan tayo ng pagiging lucky ni Andres.

“Your technique, it leaves me weak…

My heart knows it's the beat I seek…

And I found it (Just got lucky)...

Oh yes, I found it (Just got lucky)...”

Pak, ganern!


Sobrang excited daw…

ANGELINE, 2 DAYS ‘DI NAKATULOG NU'NG UNANG SUMAKAY NG PLANE


SA social media post ng singer at aktres na si Angeline Quinto ay nagbahagi siya ng kanyang larawan habang umiinom ng kape sa loob ng eroplano. Ibinahagi niya rin ang naalala niyang first time experience niya sa pagsakay ng eroplano.


Caption ng post niya: “Akala ko noon, never kong mae-experience ‘to. Parang laging first time pa rin ‘yung pakiramdam.


“Naalala ko ‘yung unang beses na nakasakay ako ng plane, contestant pa lang ako sa Star Power and may flight kami papuntang Iloilo. Two nights yata akong ‘di nakatulog nang maayos sa sobrang excited ko.


“As in, sobra! S’yempre, first time kaya super-excited talaga. So eto na, nu’ng nasa eroplano na kami ng Star Power Girls, biglang may umusok sa loob ng plane, nataranta ako. Normal lang pala ‘yun, tawa ako nang tawa!


“Pag-land namin sa Iloilo, tinanong ako ni Ms. Crissy kung kumusta ako, sabi ko, ‘Mabuti naman po, kaya lang parang medyo nahilo ako. Baka jetlag po.’ Kasi ang alam ko once makasakay ka ng plane, automatic may jetlag ka! Hahaha!


“Until now, ‘pag naiisip ko ‘yan, napapangiti pa rin ako. Ang saya lang, ‘di ba? Kaya eto, nagkakape ako sa eroplano ngayon, at walang jetlag kasi sa Cebu kami galing.”

Nakakatawa talaga ‘tong si Angge. Hahahaha!


Nagka-technical issue, bumalik after mag-take-off… KIM, NAG-PANIC, TODO-PRAY SA LOOB NG EROPLANO


KUNG si Angeline Quinto ay may masayang kuwento na naranasan sa pagsakay sa eroplano, kakaiba naman ang nakakatakot na naranasan ng aktres na si Kim Chiu matapos niyang ibahagi na nagkaroon ng “technical issue” ang eroplano na kanyang sinasakyan.


Kuwento ni Kim sa kanyang post, “Reading too much news lately got me nervous today.

“So much so that I caught myself looking for seat 11A — because, according to the internet, it’s the ‘safest seat’. Except… our plane’s seats started at 21. Hala!


“Quick story: Our flight was at 4:30 AM, and we finally took off around 5-ish. But just minutes after takeoff, the pilot announced we had to return to Manila due to a technical issue.

“Before that, the crew had been going in and out of the cockpit, which already had me low-key panicking. I tried to calm myself by sleeping it off, but when I woke up we were still on the ground… my thoughts went wild. As we turned back mid-air, all I could do was pray.

“But by God’s grace, we landed safely back in Manila. It was a frightening experience — but


I’m grateful. Grateful we made it back. Grateful to walk off that plane and breathe a little easier. Safety should never feel uncertain, but today reminded me just how precious and fragile life is.”


God is good all the time. All the time, God is good!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page