MMDA, wa’ raw ‘K’ humawak ng MMFF… PIOLO, MAS DAPAT NA BEST ACTOR KESA KAY VICE — ATTY. TOPACIO
- BULGAR

- 2 hours ago
- 3 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | January 14, 2026

Photo: Vice Ganda at Atty. Topacio - IG
Para kay Borracho Films producer Atty. Ferdie Topacio, mas deserving si Papa Piolo Pascual na tanghaling Best Actor sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival (MMFF) para sa pelikulang Manila’s Finest (MF) kesa kay Vice Ganda para sa Call Me Mother.
Grabe rin ang naging pag-oopinyon niya sa nasabing festival na ayon nga sa kanya ay dapat na pinatatakbo ng mga taong may alam sa paggawa ng movies.
“Nakapag-produce naman ang MMFF ng mga matatawag nating classics na sa ngayon, pero iba nga ‘yung sistema ngayon, eh. Mas binibigyan nila ng priority ‘yung income o ganansiya kesa sa kalidad. A film festival should showcase work of art na eventually ay dapat maging bahagi at maipagmamalaki ng ating heritage sa arts and culture,” ang bahagi ng litanya ng kontrobersiyal na abogado.
Dapat daw ay sa mga film agencies gaya ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ipamahala ang taunang MMFF at hindi sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ‘kuwarta’ lang ang intensiyon over quality at magandang standard ng local movies.
Samantala, sa latest movie offering nilang Spring in Prague (SIP), ipinagmalaki nitong hindi lang basta love story ang laman ng movie. Nagamit daw nila kahit sa names ng mga characters nina Paolo Gumabao, Sara Sandeva at Elena Kozlova ang mga simbolismo na may kinalaman sa history at struggle ng bansang Czech Republic sa usapin ng sovereignty and politics.
“Hindi naman sa pagyayabang ng storyline (ang story ay isinulat ni Eric Ramos), we made it sure na may mga out of the box situations kaming na-incorporate. Magaling si Paolo at iba ‘yung nuances n’ya. Bright actor,” sey pa ni Atty. Topacio.
Ayon pa sa kanya, hindi sila magsasawang mag-produce ng movies na gusto nilang ihandog sa mga Pinoy kahit hindi ito kumikita.
“‘Yung pagkita ay sa ibang platform na lang namin aasahan gaya ng sa Netflix, etc. Mas mahalaga ‘yung maipahatid namin ang message na may gaya naming handang sumugal at magbigay ng trabaho dahil may passion kami to contribute sa magandang heritage ng ating sining thru movies.”
HUHUSGAHAN naman ngayong araw, June 14 ang tambalang RabGel dahil first day showing ng kanilang A Werewolf Boy (AWB) under Viva Entertainment.
Sa nakita at naramdaman naming kilig, tilian, at hiyawan during its grand premiere, walang dudang may mararating ang tandem nina Rabin Angeles at Angela Muji.
Adaptation ito ng isang foreign series na ang Pinoy version ay idinirek ng mahusay na si Crisanto Aquino.
Lagi naming hinahangaan ang mga visuals ni direk. ‘Yung napagsasalita niya ang mga props, background kaya nagiging mas interesting ang movie.
Maganda ang cinematography at siyempre, given na ‘yung husay ng cast members lalo na si Rabin na marunong mag-interpret ng role niyang ‘boy lobo’.
Kakaiba rin si Candy Pangilinan bilang nanay ni Angela na may sarili ring atake. Of course si LT o Ms. Lorna Tolentino na may special role na sobrang vital sa istorya.
But more than those stuffs, ‘yung chemistry talaga ng RabGel ang nagdala sa pelikula.
Ito ‘yung first local movie offering na ipalalabas this 2026 after ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na magbibigay-hudyat kung mas sisigla ang movie industry this 2026.
Todo-puri sa host…
BEAUTY, KINILIG KAY MARTIN JAVIER
NAKAKALOKA talaga si Beauty Gonzalez sa media launch ng soon to be watched na House of Lies (HOL) afternoon series sa GMA-7.
Sa naturang launch kasi ay tila kinilig at napaghalatang may crush siya or something (baka naman napagtripan lang, huh?) sa event host na si Martin Javier.
Bukod kasi sa panay ang puri nito sa kaguwapuhan ng host, panay ang pasaring nito kung available pa raw ba ito or something? Hahaha!
Sabi nga ng mga ka-table namin, sa daldal at habang sumagot ni Beauty sa mga tanong ay baka nakalimutan nitong nasa mediacon siya at may mga kasamang co-stars gaya nina Kris Bernal, Martin del Rosario, Mike Tan, Kokoy de Santos at mga veteran actors na sina Snooky Serna, Jackie Lou Blanco at Lito Pimentel with Direk Jerry Lopez Sineneng.
Ang HOL ang papalit sa top rating series na Cruz vs. Cruz (CVC) sa afternoon slot ng GMA-7 at base sa mga earlier comments at trailers na ipinalalabas, taglay ng serye ang mga elemento kung bakit pinaghaharian ng Kapuso Network ang afternoon timeslot.
Sey nga ni Direk Jerry, “Kung bardagulan at bardagulan ng arte ang hanap, kumpleto r’yan ang House of Lies. Abangan ninyo sina Kris at Beauty dito, iba rin ang hatawan nila.”








Comments