top of page

Super-laki ng transformation… WILLIE, PROUD KAY HERLENE NA 1ST RUNNER-UP SA BB. PILIPINAS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 5, 2022
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | August 5, 2022



Labis na ikinatutuwa ni Willie Revillame na nagbunga ang pagsisikap ni Herlene Budol a.k.a. Hipon Girl na tinanghal na First Runner-Up sa ginanap na Bb. Pilipinas beauty pageant 2022.


Kahit na hindi niya nakuha ang korona, panalung-panalo pa rin si Herlene Budol dahil sa lakas ng impact niya sa publiko. Nakuha rin niya ang 7 special awards at naging crowd favorite pa siya.


Hindi inakala ni Hipon Girl na makakapasok siya sa Top 12 finalists ng Bb. Pilipinas. Mahigit na isandaang kandidata ang nag-audition, hanggang sa pumasok siya sa Top 40 at umabot sa Top 12 finalists.


Napakalaki ng naging transformation ni Herlene Budol at marami ang nagulat sa kakaiba niyang ganda. Nabagong bigla ang kanyang personalidad at nagkaroon ng self-confidence.


At hindi niya ikinahihiyang aminin na hirap siyang magsalita ng English. Kaya nga Tagalog ang ginamit niya nang sumagot sa Q & A sa Bb. Pilipinas.


Bukod sa kanyang mga fans at sa manager niyang si Wilbert Tolentino, isa si Willie Revillame sa pinasalamatan ni Hipon Girl. Galing siya sa programang Wowowin at naging co-host ni Willie. Hindi makakalimutan ni Herlene ang payo sa kanya ni Kuya Wil na manatiling humble, 'wag lalaki ang ulo at mahalin ang kanyang trabaho.


Ngayong tapos na ang pageant journey ni Hipon Girl, ang kanyang showbiz career na ang kanyang haharapin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page