ni Jasmin Joy Evangelista | November 13, 2021
Nagpositibo sa COVID-19 ang miyembro ng Kpop boy group na Super Junior na si Shin Dong-hee o mas kilala sa kanyang stage name na Shindong.
Sa isang statement kinumpirma ng Label SJ, talent agency ng Super Junior, na nagpositibo sa COVID-19 ang Korean rapper.
Anila, sumailalim sa PCR testing si Shindong matapos na maka-close contact ang isang tao na nag-positive sa COVID-19.
Samantala, hindi na kinakailangan pang isailalim sa testing ang iba pang mga bandmates nito dahil hindi naman sila nagkaroon ng close contact kay Shindong.