Super jackpot na raw sa BF na bigay ni Lord… JULIA, NEVER ISUSUKO SI COCO SA IBANG BABAE
- BULGAR
- 7 hours ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | October 17, 2025

Photo: FB Julia Montes
Mahabang taon na rin ang binibilang ng relasyon nina Coco Martin at Julia Montes, kaya naman curious ang lahat na malaman kung ano ba ang sikreto ng kanilang matatag na samahan.
In a rare moment, nag-open up si Julia tungkol sa relasyon nila ng aktor-direktor sa panayam sa kanya ni DJ Chacha sa latest vlog nito.
Aminado ang aktres na hindi talaga maiwasang may mga babaeng nagkakagusto pa rin sa kanyang dyowa kahit na nga ba alam ng lahat na may karelasyon na ito.
Pero good thing, nanatili pa ring matatag ang kanilang samahan at hindi sila nagkasira ni Coco dahil lang sa mga babaeng ito.
“Always remember, in a couple, hindi lang lalaki ang puwedeng magkamali, even babae,” aniya.
“So, always remember, in a relationship, ‘pag mahal mo, may chances ‘yan. ‘Wag naman unang pagkakamali pa lang, eh, no na, ba-bye. Unfair din naman, kasi puwedeng may growth lang din ‘yung tao,” paliwanag pa niya.
Para kay Julia, hindi naman paghihiwalay agad ang solusyon kapag may nagawang mali ang iyong partner. Bukod dito, sobrang naa-appreciate niya na ina-assure rin daw ni Coco ang pagmamahal nito sa kanya.
“Sinecure n’ya rin ako. Umabot din naman ako sa punto na bilang babae, you have your doubts. ‘Yung self-love, kulang, hindi enough. Self-worth, kulang.
“Pero s’ya kasi rin ang nag-aano sa ‘kin, eh. Kumbaga, kailangan n’yo rin mahanap ‘yung partner na sa kanya n’yo rin mismo maa-assure sa sarili n’yo kung saan kayo sa buhay n’ya. Kasi kung hindi rin, ah, medyo mag-isip ka na rin,” pahayag niya.
Nabanggit din ni Julia na sobrang bait ni Coco sa lahat, kaya ang ibang babae ay nami-misinterpret ito at napo-fall sa kanyang boyfriend.
“Pero ‘yun nga, ang pinakamaganda naman kay Coco, lagi n’yang iniisip kung ano ‘yung nararamdaman ko.
“So, nag-a-adjust siya pero alam kong hirap din siya dahil nature na n’ya ‘yun, eh. Maalaga talaga s’ya, eh. So ang ginagawa ko na lang, tutulong din ako. It takes two to tango, always remember. Hindi puwedeng partner n’yo lang ‘yung mag-a-adjust,” paliwanag ni Julia.
Dagdag pa niya, “So, kung ‘yun ang ia-adjust n’ya, bawas-bawasan ‘yung pagiging mabait para hindi ma-misunderstood, babawas-bawasan ko rin ‘yung pag-o-overthink, para maging fair din naman for him. So it takes two to tango talaga.”
Isa pang masasabing sikreto ng kanilang relasyon ay lagi raw siyang nagpe-pray ng guidance from the Lord.
Sinabi rin ni Julia na answered prayer sa kanya ang aktor. Nagdasal siya para sa tamang tao at si Coco ang dumating sa kanya, kaya bakit naman daw niya ito isusuko?
“Ito ‘yung ipinag-pray ko, ito ‘yung ibinigay ni Lord na gift. Ba’t ako titigil? Ba’t ako susuko?
“Parang s’ya ‘yung answered prayer sa lahat ng specific na hiningi ko kay Lord, more than pa ‘yung ibinigay,” sey ni Julia Montes.
Well, sino naman kaya ang mga babaeng umaaligid kay Coco Martin sa showbiz?
AYON kay Jericho Rosales, in good terms daw siya sa kanyang mga dating nakarelasyon tulad ni Heart Evangelista at ng pinakasalang si Kim Jones.
“Kim is my friend. She’s one of my very, very great friends. Heart is my friend,” sey niya sa latest interview sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).
“Heart is my friend, you know,” dugtong pa niya.
At maganda rin daw ang relasyon niya sa iba pang exes niya dahil ayaw niya ng kaaway.
“Every time I see, you know, whoever is around in Manila, of course, I try to make friends with everyone. Life is too short to have enemies,” aniya.
When asked kung wala bang seloso o selosa sa kanilang dalawa ng girlfriend na si Janine Gutierrez, aniya ay wala.
“Wala talaga and I’m so lucky because, you know, she’s also a great actress and we both know and understand our jobs and, yeah, wala. We don’t like that energy,” pahayag ng aktor.
Mahigit isang taon na ang relasyon nina Janine Gutierrez at Jericho Rosales. Noong Setyembre ay ipinagdiwang nila ang kanilang first anniversary bilang magdyowa.
Comments