top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Super-galing na bilang aktres… CRISTINE, NAKAWALA NA SA PAGIGING SEXY STAR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 1, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 1, 2023



Ibang Cristine Reyes na ang mapapanood ng lahat sa kanyang pagganap bilang Imee Marcos sa pelikulang Martyr or Murderer ng Viva Films. Talagang nag-effort siyang umarte sa tulong na rin ni Direk Darryl Yap.


Dati-rati, ang kanyang sexy image ang naaalala ng moviegoers kapag binabanggit ang kanyang pangalan. Pero simula nang gumanap siya bilang Imee Marcos sa pelikulang Maid In Malacañang ay nag-iba na ang kanyang imahe sa publiko. Malaki ang binago nito sa kanyang buhay.



Sa Martyr or Murderer ay ipinakita ang “the real Imee Marcos” na palaban at outspoken. Bilang panganay na anak ng mga Marcos ay naatang sa kanyang balikat ang malaking responsibilidad na ipagtanggol ang kanyang mga kapatid na sina Bongbong at Irene.


Papa's girl si Sen. Imee kaya malaking dagok sa kanya nang mamatay ang dating Pangulong Ferdinand Marcos na wala siya sa piling nito.


Ang eksenang 'yun ni Cristine Reyes nang mamatay si Apo Ferdie ang tiyak na magmamarka sa mga moviegoers. Ang galing-galing dito ni Cristine at ramdam ng lahat ang ibinigay niyang emosyon sa nasabing eksena.


Ganap na ngang aktres si Cristine Reyes at hindi na niya kailangang magpa-sexy pa sa big screen.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page