top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Super-bigay ng ayuda, inalok… ANGEL, NAGSALITA NA SA PAGTAKBONG SENADOR

  • BULGAR
  • Sep 19, 2021
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 19, 2021



Ang pagtulong ni Angel Locsin sa kanyang mga kaibigang celebrity ay nalalaman na lang bigla sa mga taong kanyang natulungan.


Tahimik lang kasi ang aktres kapag tumutulong sa kanyang kapwa. Pero dahil nga sa kanyang kabutihang loob kaya nasama siya sa hanay ng mga rich people na mga philanthropist.


Ilang beses na rin itong napatunayan ni Ogie Diaz sa mga artistang kanyang naiinterbyu.


Tulad na lang kamakailan nang maging guest niya si Lester Llansang.

Tinanong ni Mama Ogs ang actor kung sino sa mga celebrities ang nakatulong sa kanya.


Sagot ni Lester, si Angel Locsin. Hindi raw siya humingi ng tulong sa aktres, pero ang bill ng anak niya sa ospital ay binayarang lahat ng aktres nang walang hinihinging kapalit.


Ganito rin ang sinabi ni Janus del Prado nang mainterbyu rin ni Ogie sa kanyang vlog.


Saksi umano si Ogie sa kabi-kabilang testimonya ng mga kaibigan ni Angel kung paano sila tinulungan ng aktres.

Gayundin ang tahimik na pagtulong nito sa mga kababayan nating nagigipit at nangangailangan.


Dahil sa kabutihan ng aktres, inalok ni Ogie na tumakbo itong senador. Sinabi mismo ni Ogie ang kanyang suggestion sa aktres sa kanyang vlog.


Eto ang sagot ni Angel kay Ogie, “Maglalagay tayo ng senador na karapat-dapat, hindi ako."


"So, magiging active raw siya sa eleksiyon bilang siguro, nangangampanya siya. Bilang magpu-push siya sa kandidatong pinaniniwalaan niya," ang opinion ni Mama Ogs sa tinuran ni Angel.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page