top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Sunud-sunod na patayan, pinalalaki lang — Castro... Crime rate, bumaba 

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 21
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | July 21, 2026



Claire Castro - PCO

Photo: PCO



Nanindigan ang Malacañang na bumaba ang crime rate sa bansa sa mga nakalipas na buwan, sa kabila ng naiulat na sunud-sunod na patayan.


Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, batay sa datos ng Philippine National Police, bumaba ng 20.6% ang naitalang mga krimen mula Abril 6 hanggang Hulyo 4, kumpara sa naitalang kaso mula Enero 6 hanggang Abril 5.


Umabot umano sa 7,883 ang naitalang kaso sa naturang panahon, mula sa 9,506 kaso noong unang tatlong buwan.


“So, iyong mga nababalitaan po natin, dahil po sila ay mga nasa news, of course, makikita at mababalitaan po natin,” wika ni Castro.


Bagama’t bumaba ang crime rate, sinabi ng opisyal na hindi pa rin nasisiyahan ang pamahalaan sa mga krimeng patuloy na nangyayari sa bansa.


Sa mga nakalipas na linggo, ilang kontrobersyal na kaso ang naiulat, kabilang ang pagkamatay ng isang political vlogger, isang marine biologist at rider.


“May nakikita po tayo, yes, dahil naibabalita, pero sa  pangkalahatan, sa buong Pilipinas, may mga lugar po tayo  na nai-report din po ng PNP na wala pong nangyayaring krimen,” dagdag ni Castro.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page