SUNSHINE, NAKA-QUARANTINE DAHIL SA MGA SINTOMAS NG COVID
- BULGAR
- Apr 13, 2021
- 2 min read
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | April 13, 2021

Ipagdasal nating huwag nang dumagdag sa listahan ng mga artista nating nagkaroon ng COVID-19 si Sunshine Cruz.
Una nang umamin na nagka-COVID nitong nakaraang linggo sina Rhian Ramos, Glaiza de Castro, Cherry Pie Picache at ang pinaka-latest na dagdag sa kaso ay ang Kapamilya actress na si Heaven Peralejo na aniya sa kanyang vlog, she also tested positive for COVID-19 na kanyang nakuha habang naka-locked-in taping sa seryeng Bagong Umaga.
Sa kanyang Instagram account, ikinuwento ni Sunshine na pagkatapos makaranas ng ilang symptoms related sa novel coronavirus disease, nagdeklara ng self-isolation ang aktres para sa safety ng mga kasambahay at tatlong anak.
Bumuhos ang suporta at mensahe mula sa mga kapwa celebrities pagkatapos niyang i-post sa social media na may hinala siyang siya'y infected ng COVID-19.
Last Saturday (April 10) sa kanyang IG post, kitang nakahiga sa kama si Sunshine at sa parehong caption, aniya: "16/14 Patience is definitely a virtue. It is already a blessing that I am just isolated in the comfort of my home (most are confined in hospitals or Kalinga Centers).
"I may not see the kids but hearing and chatting over the phone with them makes me look forward to seeing and hugging these princesses of mine once again."
Bagama't hindi pa niya kinumpirma kung positibo nga siya sa COVID-19, inamin ni Sunshine sa kanyang post that she has been experiencing symptoms of the deadly disease.
"I know I am on my way to recovery. Headache, body pain is now more tolerable, cough is not as worse, my sense of taste and smell have improved. I thank God everyday for I am slowly getting better."
Ilang araw bago pa niya i-update ang kanyang mga fans at supporters, humihingi siya ng dasal para sa kanya at pamilya at nagpahayag ito ng pag-aalala sa kanyang family and friends dahil sa COVID-19 pandemic.
"Day 11/14. So near yet so far. I miss hugging and talking to my three girls. Amidst our struggles especially during this time of pandemic, I can’t thank the Lord enough. My family’s situation is still much better than those that I have been hearing and seeing online.
"It is scary and I always worry for my family, loved ones and friends. But then, saan ba ako dadalhin ng pag-aalala at sobrang pag-iisip?" she continued.
"Dasal talaga ang sinasandalan ko, 'yung suporta at pagbibigay ng lakas ng loob ng mga taong nagmamahal sa 'min ng mga bata. You guys know who you are. Thank you!"
"Can I ask that you please include my kids and I sa prayers n'yo? Laban lang po tayo," kanyang mensahe.





Comments