top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Suns duo, Booker at Ayton mainit; Embiid sa 76ers, kumilos

BULGAR
Mar 15, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 15, 2022




Umarangkada ng todo ang numero unong Phoenix Suns at sinunog ang bisitang Los Angeles Lakers, 140-111 sa NBA kahapon sa Footprint Center. Ito ang pinakamaraming puntos ng Suns ngayong taon at first quarter pa lang ay bumuhos ng 48 puntos patungo sa ika-54 panalo sa 64 na laro at pitong laro ang pagitan sa pumapangalawang 47-22 Memphis Grizzlies.

Namayani si Devin Booker sa 30 puntos at 10 assist. Nag-ambag ng 23 puntos at 16 rebound si Deandre Ayton at limang iba pang Suns ang may mahigit 10 puntos. Sinigurado ng Grizzlies na hindi lalayo ang Suns at sumabay ng panalo sa kulelat ng Oklahoma City Thunder, 125-118, sa likod ng 21 puntos ni Desmond Bane. Sumunod si Jaren Jackson Jr. na may 18 habang 17 puntos at 10 assist si Ja Morant.

Nagtrabaho ang Philadelphia 76ers sa overtime upang takasan ang kulelat na Orlando Magic, 116-114, at umakyat sa pangalawang puwesto sa Eastern Conference sa kartadang 41-25 sa likod ng nagpapahingang Miami Heat na 45-24. Double-double si Joel Embiid na 35 puntos at 16 rebound habang 26 puntos si James Harden kasama ang paniguradong free throw na may 6.7 segundong nalalabi sa overtime.

Kumilos si Kevin Durant para sa mahalagang pito ng kanyang 53 puntos sa huling minuto upang buhatin ang Brooklyn Nets laban sa bisitang New York Knicks, 110-107. Pinalamang ng tres ni Durant ang Nets na may 56 segundo sa orasan, 106-103, at sinundan niya ito ng apat na free throw upang pigilin ang mga banta ng Knicks na bumalik.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page