top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Suns, Bulls, Cavaliers at Pelicans, umarangkada

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 26, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | January 26, 2022





Nagtagumpay ang Phoenix Suns laban sa matapang na hamon ng Utah Jazz, 115-109, sa NBA kahapon sa Footprint Center. Pumantay ang Chicago Bulls sa 2nd place sa Eastern Conference sa bisa ng 111-110 pagtakas sa kulelat na OKC Thunder.


Pilay ang buong first five ng Jazz, kaya naglaro agad si Fil-Am Jordan Clarkson kasama ang mga reserba. Hinintay ng Suns ang 4th quarter para umarangkada sina Cam Johnson at Chris Paul at makalamang, 96-95, at hindi na bumitaw.


Hindi pa tapos si Paul at itinulak ang Phoenix sa 111-100 lamang sa huling 3 minuto at hindi na nakapalag ang Jazz. Ito ang ika-7 sunod na panalo ng Suns para sa 37-9 habang bumaba ang Utah sa 30-18 at 4th sa West Conference.


Bumida si Paul na may 27 puntos sa fourth quarter at kahit hindi na pumuntos, nanguna si Devin Booker sa 33 puntos sa loob ng unang tatlong quarter. Bumuhos ng 22 puntos si Clarkson.


Ipinagdiwang ang balik-aksyon ni All-Star Zach LaVine na lumiban ng limang laro dahil napilay ang tuhod. Si LaVine ay may 23 puntos kasama ang mahalagang free throw sa makapigil-hiningang huling minuto.


Sinayang ng Bulls ang 84-56 lamang sa third quarter at pumalag ang Thunder at pinasok ni Mike Muscala ang three-points subalit walang epekto ito at umakyat ang Chicago sa 29-17 kapantay ang nagpapahingang Brooklyn Nets at kalahating laro ang hahabulin sa numero unong Miami Heat na 30-17. Double-double si Nikola Vucevic sa 26 puntos, sinundan ni rookie Ayo Dosunmu sa 24 puntos.


Sa ibang mga laro umakyat ang Cleveland Cavaliers sa East at binigo ang New York Knicks, 95-93, sa likod ni Kevin Love sa 20 puntos at 11 rebound. Sumandal ang New Orleans Pelicans sa 16 puntos ni Jonas Valanciunas para mapigil ang Indiana Pacers, 117-113.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page