top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Suns at Cavaliers, patas na sa 1-1 ang Playoffs

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 20, 2023
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | April 20, 2023




Ipinantay ng mga paboritong Phoenix Suns at Cleveland Cavaliers sa 1-1 ang kanilang mga seryeng best-of-seven sa 2023 NBA Playoffs kahapon. Matapos mapahiya sa kanilang mga tahanan sa Game One, bumawi ang Suns sa LA Clippers, 123-109, habang nanaig ang Cavs sa New York Knicks, 107-90.


Sumandal ang Cavs kay Darius Garland na sa halftime pa lang ay may 26 puntos na upang itulak sila sa komportableng 59-39 lamang at hindi na dumanas ng peligro ang Cleveland. Dumagdag ng anim na puntos si Garland sa 3rd quarter at kahit hindi na pumuntos ay namuno pa rin sa kanyang kabuuang 32 puntos mula sa anim na tres.


Gumana ng todo ang Suns matapos ang three-points ni Devin Booker na tumabla sa pagwakas ng first half, 59-59. Mula roon ay tuloy-tuloy na ang kanilang arangkada at hindi pa tapos si Booker na bumanat ng 26 para umakyat sa 38 puntos habang nag-ambag ng 25 si Kevin Durant.


Sa isa pang serye, 2-0 na Boston Celtics sa Atlanta Hawks sa bisa ng 119-106 tagumpay. Pumayag ang Celtics na lumamang agad ang Hawks, 22-11, subalit biglang lumamig ang Atlanta at naagaw ng Boston ang lamang matapos ang 12 minuto, 28-25.


Unang umakyat ang agwat sa 20 puntos sa third quarter, 79-59, matapos ang magkasunod na tres nina Marcus Smart at Al Horford. Nanguna sa Boston sina Jayson Tatum na may 29 puntos at 10 rebound at Derrick White na may 26 puntos.


Samantala, hinirang na pinakaunang KIA Clutch Player of the Year si De’Aaron Fox ng Sacramento Kings. Ang bagong karangalan ay para sa manlalaro na maaasahan sa huling 5 minuto ng laro at hindi pa tiyak kung sino ang mananalo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page