top of page
Search
  • BULGAR

Sunog sa Quezon City, itinaas sa ikatlong alarma

ni Lolet Abania | November 27, 2020




Itinaas na sa ikatlong alarma ang sunog sa isang residential area sa NIA Village, Bgy. Sauyo, Quezon City. Ayon sa mga residente, nakarinig sila ng malakas na pagputok ng kuryente saka mabilis na nagliyab ang apoy sa mga kabahayan.


Halos matupok ang mga bahay dahil sa dikit-dikit ito at gawa sa light materials.


Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Quezon City, nagsimula ang sunog bandang alas-8 ng umaga ngayong Biyernes, at itinaas sa ikatlong alarma nang alas-8:23 ng umaga.


Gayundin, hirap makapasok ang mga trak ng BFP sa lugar dahil napakaliit ng daan at iskinita pa. Patuloy pa ang ginagawang pag-apula sa apoy ng mga bumbero.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page