Sunog sa Navotas, 6 miyembro ng pamilya, patay
ni Lolet Abania | November 4, 2022

Anim katao ang patay matapos na sumiklab ang sunog sa Area 5, Barangay Dagat-Dagatan sa Navotas City ngayong Biyernes ng madaling-araw.
Sa report ng GMA News, ang anim na biktima ay magkakapamilya.
Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga biktima na sina Donsito Boiser, 41-anyos, tatay; Reynosa Muscoso, 41-anyos, nanay; Raymond Boiser, 10-anyos, anak; Arriana Boiser, 3-anyos, anak; Reinna Boiser, 2, anak; at Natalia Boiser, 14, pamangkin.
Ayon sa BFP, nagsimula ang sunog ng alas-5:21 ng madaling-araw sa residential area na umabot sa unang alarma, habang idineklarang fire out ng alas-5:44 ng madaling-araw.
Agad namang rumesponde ang apat na fire trucks sa lugar.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang naging dahilan ng sunog habang inaalam na rin ang halaga ng pinsala dahil sa insidente.





Comments