Sunog na mga buto ng tao, natagpuan sa sapa

ni Janice Baricuatro @News | November 7, 2026

Photo: File
Natagpuan ang sunog na mga buto ng tao sa isang tuyong sapa sa Brgy. Halang, Amadeo, Cavite.
Alas-3:15 ng hapon kamakalawa nang madiskubre ang mga buto sa ilalim ng puno ng santol, sa gilid ng sapa.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, napansin ang mga bakas ng pagsunog na ginamitan umano ng tela. May iba pang piraso ng mga buto na nakakalat sa paligid.
Nakipag-ugnayan na ang Amadeo Police sa Special Investigation Task Group ng Gen. Trias City Police para sa follow-up investigation at search operation kaugnay ng naiulat na nawawalang indibidwal.
Isinasailalim na sa pagsusuri ang mga buto upang matukoy kung ito ay pag-aari ng nawawalang tao.





Comments