top of page
Search
  • BULGAR

Sunog, i-report muna bago i-live

@Editorial | April 16, 2024



Sa gitna ng matinding init, may mga insidente naman ng sunog. 


Halos kada linggo ay may naiuulat na lugar na natutupok. Masaklap, kapag may buhay pang nadadamay.


Kaugnay nito, isang lungsod sa Metro Manila ang nag-utos na sa mga kapitan ng barangay na ituro sa mga residente ang mga dapat at hindi tamang gawin kapag may sunog.


Unang-una, dapat malaman ng mga residente ang mga bagay na dahilan ng sunog at dapat din itong mabatid ng iba pang kasama nila sa bahay.


Hiningi rin ang tulong ng Liga ng mga Barangay sa pagkilos ng mga punong barangay at iba pang opisyal para sa nasabing layunin.


Importanteng maging organisado ang mga residente at hayaan ang mga bumbero na gawin ang kanilang trabaho kapag may sumiklab na sunog sa lugar nila.


May mga insidente kung saan ang mga bumbero, lalo na ang mga fire volunteer ay naha-harass ng mga residente at umaabot pa sa punto na inaagawan ng hose para itutok sa kanilang mga bahay.


Kailangang maipaunawa ng mga tserman at maunawaan ng mga residente na tumutulong ang mga fire volunteer sa pag-apula ng apoy nang walang bayad kaya hindi dapat na gipitin o saktan ang mga ito.


Pakiusap din sa mga nakakasaksi ng sunog, mas mainam na ipagbigay-alam muna sa kinauukulan bago i-live sa social media para mas mabilis marespondehan.


Kung magiging masigasig ang mga opisyal ng barangay at makikiisa ang mga residente, may pagkakataon na maiwasan ang sunog lalo na ngayong patuloy ang pagtaas ng temperature o mas madaling maaapula ang apoy.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page