top of page

Sumawsaw sa gulo nina Cong. Albee at misis, FB biglang na-disable… XIAN: TOTOO ANG MGA SINABI KO KAYA KAILANGAN AKONG PATAHIMIKIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 days ago
  • 5 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 2, 20255



Photo: Xian Albert Gaza

 

Speaking of hugot, para kanino kaya ang cryptic post ng Pambansang Marites na si Xian Gaza na ganito ang nilalaman: "Kapag ginamit mo ‘yung koneksyon mo para ipa-disable ‘yung account ng isang tao illegally without any grounds for violation, ibig sabihin totoo lahat ng sinabi niya sayo kaya kailangan mo siyang patahimikin?"


Bago ang naturang post, nag-trending ang comment ni Xian tungkol sa controversial issue ngayon sa pagitan ng mag-asawang Cong. Albee Benitez at Mrs. Nikki Benitez kung saan nasangkot pa nga ang name ni Ivana Alawi sa demanda ng misis ng kongresista.


Pagkatapos ng naturang comment ni Xian, may mga nakapansin na na-deactivate na ang kanyang Facebook account.


Kasunod naman nito, may naging post ang anak ni Cong. Albee na si Cong. Javi Benitez sa FB na tunay na pangalan lang ni Xian Gaza na “@Christian Gaza” ang nakalagay with black background.


At nang muli ngang maibalik ang FB account ni Xian Gaza, may cryptic post na ito tungkol sa pag-disable sa kanyang account na may tinutukoy ngang “gumamit ng koneksiyon”.


Kaya naman, ang tanong ngayon ng mga netizens, para kaya kay Cong. Javi Benitez o sa ama nitong si Cong. Albee ang naturang cryptic post ni Xian Gaza?


Hmmm… Abangan natin kung muling magpo-post ang ex-BF ni Sue Ramirez na si Cong. Javi para sagutin pa ang patutsadang ‘yan ng Pambansang Marites.



Marami pang ibang gusto…

JULIE ANNE, KAHIT YAYAIN NA, ‘DI PA GAME MAGPAKASAL KAY RAYVER




ANG daming fans na napasaya ni Julie Anne San Jose sa launching niya last Saturday as the newest endorser ng Symply G products na ginanap sa Ayala Malls Market! Market!.


Hindi lang kasi meet and greet ang nangyari kung saan nakapagpa-selfie ang mga fans

kay Julie Anne, kundi may song and dance number pa ang Limitless Star sa opening ng mall tour, plus may bonus pang games na may prizes, of course.


Napaka-accommodating naman ni Julie Anne sa mga fans at hindi ito suplada tulad ng ibang young stars ngayon na lumabas lang sa TV show o nagkaroon ng 1M following sa social media, eh, feeling superstar na.


Napakasimple ni Julie Anne kahit pa sabihing sikat na rin siya ngayon, lalo na pagkatapos ng successful na Maria Clara at Ibarra TV series niya sa GMA-7 at bilang isa sa cast ng Slay na kasalukuyang umeere sa Kapuso Network.


Na-exclusive interview nga namin si Julie Anne sa kanyang dressing room few minutes bago nag-start ang mall show-launching niya for Symply G, na by the way, bukod pala sa hair products like shampoo and keratin conditioner, may skin care na rin ngayon tulad ng whitening soap and lotion.


Of course, super happy si Julie Anne sa bago niyang endorsement lalo’t bagay na bagay sa kanya ang Symply G dahil simple lang daw talaga siyang tao, pero tulad ng tagline nito, “she’s confidently beautiful”.


At siyempre, malaking bagay ang boyfriend niyang si Rayver Cruz sa pagiging “confidently beautiful” niya, dahil napapasaya siya nito lalo sa mga times na may doubt at insecurities siya sa sarili, na of course, hindi naman daw mawawala dahil natural lang ‘yun sa lahat.


Thankful din si Julie Anne sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya ngayon dahil bukod nga sa mga TV shows, may mga nagtitiwala sa kanya para maging brand ambassador tulad ng kanyang Symply G family.


Tinanong nga namin si Julie Anne, what if biglang mag-propose na si Rayver this year kung kailan nasa peak pa ang kanyang career, handa na ba siyang mag-yes sa BF?


Natawang sagot nito, “I think, in God’s time naman po, mangyayari ‘yan. Hindi ko po alam kung kailan at kung papaano, but you know, that’s one of my dreams as well. ‘Yan din ‘yung pinapangarap ng isang babae, ‘di ba? Sino ba namang hindi mangangarap na ikasal, ‘di ba?

“So, I’m excited for the future and darating naman po tayo d’yan. I just don’t know when or how but I feel like I’m sure of it,” todo-smile pang sabi ni Julie Anne na obyus na super in love rin naman.


We also hope na sila na nga ni Rayver Cruz ang magkatuluyan at mauwi sa kasalan, at ‘di sila matulad sa mga kapwa nila celebrities na kung kailan umabot ng 5, 7 o 11 yrs., saka naghiwalay.



Entry niya, kaya nalaglag last year…

SIGAW NI ATTY. TOPACIO: MOVIE NG GF NI SANDRO MARCOS, MAS IPINASOK SA MMFF


AMINADO ang Borracho Films producer na si Atty. Ferdinand Topacio na matagal siyang gumawa ng pelikula, kaya ang latest offering nga niya na Spring in Prague na pinagbibidahan ni Paolo Gumabao at ng Czech-Macedonian actress na si Sara Sandeva ay inabot ng more than 2 yrs. bago natapos.


Pero sobrang satisfied naman si Atty. Ferdie lalo’t puring-puri ng mga nakapanood ang Spring in Prague sa ginanap na special screening nito last Wednesday sa UPTOWN Mall, BGC.


Pati nga ang director na si Lester Dimaranan ay puring-puri rin ng media at mga nanood dahil ang ganda ng cinematography, music, lalo na ‘yung mga locations na kinunan sa Puerto Galera, Tagaytay at Prague.


Pareho ring magaling ang mga bidang sina Paolo at Sara na malakas ang chemistry, maging ang supporting cast tulad ni Marco Gomez.

Ayon kay Atty. Ferdie, bata pa talaga siya ay movie fan na siya kaya passion niya na lang ang paggawa ng hindi lang basta pelikula kundi “quality films” na maipagmamalaki natin sa ibang bansa.


Kaya nga raw kahit matagal bago matapos ang isang pelikula niya, okay lang, dahil mas importante sa kanya ‘yung maging world-class ang quality nito.

Nanghihinayang lang si Atty. Topacio na wala raw siyang makuhang suporta mula sa FDCP gayung quality films nga ang ipino-produce niya tulad daw nu’ng Mamasapano na isinali niya noon sa MMFF.


Nangako raw ang FDCP na magbibigay ng financial support pero napakatagal bago mai-release ang funds. So, paano na raw ang ibang local film producers natin na walang kakayahan, ‘di tulad niya na kahit paano ay nakaka-survive naman with his own money.


At bukod sa FDCP, mukhang may hugot din si Atty. Ferdie sa pamunuan ng MMFF, dahil sa nabanggit niyang imbes ‘yung entry niyang pagbibidahan ni Robin Padila sana tungkol sa buhay ni Sen. Gringo Honasan ang piliin last 2024 filmfest ay mas pinaboran pa raw ‘yung horror movie na kasama ang GF ni Presidential Son Sandro Marcos na si Alexa Miro.


Gayunman, hindi naman daw siya nadadalang gumawa ng pelikula kaya itutuloy pa rin daw niya ang naturang movie ni Sen. Robin na may P65 million budget daw, ha?


Pero sa ngayon, naka-focus muna ang Borracho Films sa Spring in Prague na ani Atty. Ferdie, priority nilang ipalabas abroad, pero puwede rin namang ipasok as one of the entries sa MMFF 2025.


Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page