Sumaging Cave, patok sa 3-yo Race
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | March 25, 2022
Makikilatis ang husay ng Sumaging Cave pagsalang sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na ilalarga sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Sasakyan ni JL Ramos, posibleng magiging mahigpit na kalaban ni Sumaging Cave sina Radiance at Phoenix Rising sa distansyang 1,300 meter race.
Hahamigin ng mananalong 3-year-old horse ang added prize na P10,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Maliban kina Sumaging Cave, Radiance at Phoenix Rising, ang ibang kalahok ay sina Truthmaker at Lorbide at ayon sa mga karerista kahit na limang kabayo lang ang magtatagisan ng bilis ay tiyak na magandang laban ang kanilang mapapanood.
"Sigurado masisiyahan ang mga karerista sa bakbakan nila, lahat kasi ng kasali ay magagaling at future champions," saad ni Benardo Alvarez, veteran karerista.
Tiyak na aabangan din ng mga karerista ang bakbakan ng pitong kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pakakawalan sa pang-anim na karera.
Posibleng magdomina sa bentahan ang magka-kuwadrang sina Blazing Bullet at Heirloom, sasakyan sila nina JL Ramos at AM Tancioco paglarga ng 1,300 meter distansya.
May karagdagang P25,000 guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, ang ibang kasali ay sina Jade's Treasure, Inter State, Med-Bays, Iron Hook at Chase The Gold.
Samantala, 7 races ang inihain ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) ngayong araw kaya inaasahang masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1. Gensan Special (2), Ultimate Royale (5)
Race 2. Bonifacio (2), Lady Goldie/Red Hawk (1/1A), Arrows Up (7)
Race 3. Spyglass (4), Grand Princess (2)
Race 4. Quick Buck (4), Don Damiano (6), Stark (2)
Race 5. Sumaging Cave (4), Radiance (3)
Race 6. Blazing Bullet/Heirloom (3/3A), Iron Hook (6), Med-Bays (4)
Race 7. Pilya (3), Speedy Wego (7), Temple Key (8)





Comments