Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 5.6 na lindol
ni Lolet Abania | August 2, 2022

Niyanig ng magnitude 5.6 ang bahaging baybayin ng Sultan Kudarat ngayong Martes ng hapon, batay sa record ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ayon sa PHIVOLCS, ang lindol ay tectonic na naitala ng alas-1:24 ng hapon.
Habang ang epicenter nito ay matatagpuan sa layong 06.72°N, 123.75°E - 036 km N 75° W ng munisipalidad ng Lebak.
Naramdaman ang Intensity III sa Cotabato City.
Naitala ang Intensity II sa General Santos City, at Intensity I sa Zamboanga City.
Wala namang naging pinsala matapos ang lindol subalit, asahan pa rin ang posibleng mga aftershocks, ayon pa sa PHIVOLCS.





Comments