top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Suicide sa kabataan, huwag dedmahin, plis lang!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 3, 2023
  • 1 min read

@Editorial | Pebrero 3, 2023


Nakababahala ang mga insidente ng pagpapakamatay sa mga kabataan.


Base sa ulat mula sa Department of Education (DepEd), nasa 404 na mag-aaral sa buong bansa ang nag-suicide habang 2,147 iba pa ang nagtangkang magpakamatay sa nakalipas na academic year 2021-2022.


Bagama’t iba-iba ang kanilang rason at hindi natin alam kung kailan magtatapos ang kanilang mga pangarap, dapat tayong kumilos at tulungan sila.


Sa ngayon, isinusulong sa Kongreso ang implementasyon ng mental health law at therapy session packages para sa mga kabataan.


Ipinanukala na dapat tugunan ang kakulangan sa mental health personnel sa pamamagitan ng pagkuha ng karagdagang guidance counselor.


Pinaplantsa na rin ang paghahain ng isang panukala para sa pagkakaroon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) packages saklaw ang therapy sessions at iba pang mental health assistance para matulungan ang mga distressed learners.


Ipinapanukala rin ang paglikha ng mga educational institutions ng sarili nilang mga programa para sa pagbibigay ng regular counseling sa mga estudyante, at maging sa mga guro at non-teaching personnel.


Matatandaang, naglaan ang gobyerno ng nasa P4 bilyon para sa pagtugon sa mental health sa ilalim ng pambansang pondo ngayong 2023. Kaya walang dahilan para hindi makalusot ang mga panukalang-batas na magiging kaagapay ng mga magulang sa pagpapabuti sa kalagayan ng mga anak.


Mahalin natin ang mga kabataan, iligtas natin sila mula sa anumang banta ng panganib.


Huwag nating hayaan na hindi nila matupad ang kanilang mga pangarap dahil sa depresyon, pang-aabuso at iba pang ‘di magagandang karanasan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page